Valeen's POV Lunes ng umaga ay nadatnan ko si Dave na naghihintay sa sala. Nasalubong ko kaagad ang titig niya at hindi nakaligtas sa akin ang paghagod niya ng tingin mula ulo hanggang paa. Napatayo siya at inilagay ang kamay sa bulsa. Hindi siya ngumingiti kaya nagtataka ako. Baka hindi maganda ang gising? "Let's go." sabi nito at nauna ng lumabas. Nang nasa pintuan na ay napahinto siya ng lakad. "Bakit ka tumigil-" Napalingon si Kylie sa amin. Si Vincent ay nakatayo na sa tapat ng sasakyan nito. "Let's go, Valeen?" tanong ni Vincent sa akin. Napatingin ako kay Kylie na ngayon ay nakatingin din sakanya. "T-Tara!" sabi ko at hindi na nilingon si Dave at hahakbang na sana palapit kay Vincent pero hinawakan ni Dave ang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sakanya. Nakita kon

