The Twins

629 Words
Candis' POV Napabilis ang pag-alog ko sa gatas ng marinig na umiyak si Travis, ang bunsong anak namin ni Mavy. Dalawang taon na ito ngayon and after 14 years ay saka lang nasundan ang kambal. Nahirapan kasi akong mag-asikaso sa kambal kaya naman hindi muna namin sila nasundan. Hanggang sa akala ko ay hindi na masusundan ang kambal ay bigla naman akong nagbuntis sa bunso naming si Travis. Naging busy kasi masyado ang asawa ko sa pagpapalago pa lalo ng kompanya namin. Akala ko nga ay babae na ang bunso dahil naging sobrang selan ng paglilihi ko kumpara nung ipinagbubuntis ko 'yong kambal. Ngayon ay 16 years old na sila at kakatapos lang ng High School. "Saglit lang, baby. Sus! Para ka namang hindi dumede ng isang taon, anak!" sermon ko matapos ibigay dito ang gatas. Tumigil naman ito sa pag-iyak. At kunot noong nakatingin sa kanya habang patuloy sa pagsimsim ng gatas. Napapailing na natatawa ako. Kamukhang kamukha kasi ni Mavy itong bunso namin at pati yata ang pagkasulpado ng Daddy n'ya ay namana pa nito. "Can you lower your f*cking voice, Vince? Hindi ko maintindihan 'tong binabasa ko." napalingon ako nang mag-echo sa buong bahay ang boses ng panganay kong si Dave. Mas nauna s'yang lumabas kay Vincent ng ilang minuto kaya s'ya ang mas matanda sa dalawa. "Wait, Kylie. I'll call you back." rinig ko namang sabi ni Vincent at masama ang tingin na nilapitan si Dave. "What's your problem again?" Mukhang may iringan nanaman ang dalawa. Napabuntonghininga ako. Gaya nga ng sabi ko ay nahirapan kaming palakihin ang dalawang iyan ng magkasama. Magkamukhang magkamukha nga sila pero magkaibang magkaiba naman ang ugali nilang dalawa. Dave is the serious and silent but dangerous type na marahil namana nito kay Mavy. Hindi s'ya mahilig makihalubilo sa ibang tao. Mas gusto n'ya pang magbasa ng libro at magmukmok sa kwarto maghapon. s'ya rin 'yong tipong habulin ng mga babae pero walang pakialam sa nararamdaman ng mga ito. And i know someone na halos gawin ang lahat mapansin lang ng anak ko. Kylie. Yes, ang unica iha nina Lyndon at Lyndsay. Ibang iba naman ang ugali ng kakambal n'yang si Vincent. He's jolly, palangiti ito at palakaibigan. Hindi rin ito isnabero na katulad ni Dave. Malapit din ito sa mga babae kaya naman madalas na nagiging sentro ito ng gulo. He's Kylie's bestfriend. Pero mukhang hindi lang bestfriend ang tingin ng anak ko dito. Tsk tsk. Mga bata nga naman. Dave is intelligent. Wala kaming naging problema ni Mavy sa kanya pagdating sa pag-aaral. Seryoso ito duon at hindi katulad ni Vincent na hindi sineseryoso ang pag-aaral kaya naman palagi na lang itong nahuhuli sa kapatid pagdating sa mga academic subjects. 'yon nga lang ay mas lamang ito sa mga extra curricular activities dahil sobrang hilig naman nito sa sports. "If you want to use the phone and chat with your friends all day, bahala ka. Basta, hinaan mo lang at hindi lang ikaw ang nakatira dito." mariing sagot ni Dave "Hell, Dave! Why don't you go to your room at duon ka magpakaburo kakabasa para hindi ako nakakaistorbo sa pagpapakatalino mo!" sagot ni Vincent. Tatayo na sana ako para sawayin sila nang awatin ang mga ito ni Aaron. "Hey! You, two! Ano na naman bang pinag-aawayan n'yo?" Hindi sumagot ang dalawa at nakita kong tumayo na si Dave at umakyat papunta dito sa taas. Kahit masungit si Dave ay alam naman nitong magpa-ubaya sa kapatid kapag nagtatalo sila. May respeto rin ito kay Aaron dahil ayaw na ayaw ni Mavy na sinasagot sagot ng mga ito ang pinsan nila. Nakita s'ya nito at lumapit para humalik sa pisngi n'ya tsaka tumuloy sa kwarto nito. Napailing na lang s'ya. Hindi na talaga n'ya alam kung paano magkakasundo ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD