Valeen's POV Ang malas malas ko! "Aaaaahhh! Mababaliw ako, mababaliw ako!" Kanina pa ko paikot ikot sa kwarto. Halos napwestuhan ko na yata lahat ng spot dito sa kwarto dahil sa pagka tuliro! "Sa lahat ng makakakita, bakit si Kuya Aaron pa?" Napapikit ako ng mariin nang maalala ang pangyayari kanina. Parehong nakatingin ng makahulugan sina Kuya Aaron at ang kanyang girlfriend sa akin. Halos panawan ako ng dugo sa buong mukha dahil sa nerbyos! Kapag nakakita ka ng babaeng lumabas mula sa kwarto ng isang lalake, ang una mong maiisip ay ang posibleng ginawa nila sa luob! "Naku, hindi! Hindi po! Mali yung iniisip nyo!" hindi ako magkandatuto sa kakailing at kakawagayway ng kamay ko. "Huh? I am not saying-" "Wala po talagang nangyari, promise po!" sabat ko. Pakiramdam ko ay kailangan

