Valeen's POV Napadilat ako nang bitawan ni Dave ang labi ko. Pagkatapos ay hinaplos niya ang gilid ng labi ko na dumugo dahil sa ginawang pagsampal sa akin ni Kylie. Hindi ako lumaban dahil naiintindihan ko kung bakit siya nagalit. Tama naman siya sa parte na alam kong gusto niya si Dave, pero hindi ko rin naman inaasahang mahuhulog ako sa'kanya. Naiwala ko ng iniisip nang marinig ko nanaman ang mahinang mura ni Dave habang nakatingin sa sugat sa labi ko. "Tell me what exactly happened? Anong sinabi niya sa'yo? Why did she hurt you again?" inis pa rin na tanong niya. Umiling ako at hinawi ang kamay niya sa aking mukha at yumuko. "N-Nalaman na niya yung tungkol sa'tin.." sagot ko. Tumiim ang bagang niya at hinawi ang buhok pataas at sinabunutan iyon. "And so? Ano ngayon kung tayo na? I

