Valeen's POV Nangingiti ako habang paakyat papuntang rooftop para makipagkita kay Dave. Ngayon ko pa lang siya makikita ngaung araw kung sakali. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay sumilip pa ako sa salamin para tignan kung anong ginagawa niya. Nahanap ko naman siya agad dahil nakatayo ito at nakakapit sa railings. Nakatanaw siya sa malayo at bahagyang nililipad ng hangin ang buhok. Huminga ako ng malalim at inayos ang skirt ng uniform ko bago binuksan ang pinto. Agad naman siyang napalingon sa gawi ko. Ngumiti ako ng bahagya pero nakita ko siyang kinagat lang ang ibabang labi. "Ang mahal talaga ng ngiti ng isang 'to.." bulong ko habang papalapit sakanya. Hindi niya inaalis ang tingin habang papalapit ako kaya medyo nakaramdam ako ng nerbyos. Anu ba naman yan! "I thought you wouldn't co

