Valeen's POV Pareho kaming humihingal nang matapos. Nakahawak ang isang kamay niya sa beywang ko at ang isa ay nakahawak sa batok. Hindi ako makatingin sa'kanya. Kanina nang hinahalikan niya ako ay wala akong pakialam kung tama o mali ang ginagawa kong pagtugon sa mga halik niya. Ngayon ako nakakaramdam ng hiya. God! "Did you.. ever kiss someone while I was away?" tanong niya na halos nakadikit pa rin ang mukha sa akin. Hindi ko maiwasang mapatingin sa labi niya. Pulang pula ito na parang nang-aakit. Iniiwas ko ang tingin doon at umiling. "No," sagot ko. "Paano mangyayari 'yun? Ni hindi nga kita nakalimutan.." Halos ibulong ko na lang ang huling pangungusap. Nakita ko ang pagngisi niya at hinaplos ang batok ko. Napalunok ako. Tumindig yata lahat ng balahibo ko dahil sa ginawa niya! "Fa

