KABANATA-7

1160 Words
Nica's POV 6:00 in the evening isa isa namin pinasadaan ng tingin ni Mina ang mga nag mamadaling mga kasambahay ng mga Atienza pag dating namin sa mansyon, nandito kami ngayon sa mansyon at kakarating lang namin ng kaibigan ko dahil pinatawag kami ni Mrs. Atienza, "Mina anong meron bakit parang nagmamadali ang mga kasambahay sa mga trabaho nila"...takang tanong ko kay mina, dahil sa sobrang abala ng mga taong naabotan namin ay hindi na nila kami napapansin, "Ewan ko Nica, pero malamang may biglaang bisita ang mag asawang Atienza kaya siguro sila nagmamadali sa mga trabaho nila"...sagot sa akin ni Mina habang seryoso lang kaming naka masid sa mga kasambahay na abala sa kani-kanilang trabaho, maya maya pa ay dumaan sa harap namin si aling berta na isa sa matagal ng kasambahay ng mga Atienza, Agad naman ito hinarang ni Mina kaya napa hinto ito sa mabilis nyang paglalakad at mukhang paakyat ito para maglinis sa taas basi sa dala dala nyang pamunas ng salamin at spray, "Aling Berta anong meron? bakit parang lahat kayo aligaga sa mga gawain nyo?"...tanong ni Mina kay aling berta, "Naku Mina, Nica, bakit hindi nyo ba alam?"...tanong sa amin ni Aling berta kaya nagka tinginan kami ng kaibigan ko, "Aling Berta naman kaya nga namin kayo tinatanong kasi hindi nga namin alam eh"...sagot sa kanya ni Mina, "Darating ngayon si Sir Dennis at kasama nya ang isa sa matalik nyang kaibigan, baka mamaya nandito na rin sila kaya ito abala ang lahat, excited nga si Mrs. Atienza at Mr. Atienza sa pag dating ng nag iisang nilang anak eh"...masayang wika ni aling berta, "Ahh Ganon po ba"...wika ni naman ni Mina na may kasabay pang pag tango tango, "Oo, pero teka kayo? bakit nandito kayo? diba bukas pa kayo dito?"...tanong sa amin ni Aling Berta, "Pinatawag po kasi kami ni Mrs. Atienza aling Berta"...sagot ko, "Ganon ba oh sya maiwan kona kayong dalawa huh, lilinisin kopa ang kwarto ni Sir Dennis sa taas, si Mrs. Atienza nasa kusina at inaayos ang mga lulutoin nya mamaya para sa anak nya"...paalam sa amin ni Aling berta at tumango lang kami ni Mina na may kasamang ngiti bilang tugon sa kanya, "Mas gwapo siguro sa personal itong si Sir Dennis lalo na siguro ngayon"...wika ni Mina habang naka tingin sya sa large picture frames ni Sir Dennis na naka sabit sa taas, pag pasok palang kasi sa loob ng mansyon ng mga Atienza ay bubungad na sayo ang dalawang large picture frames ng Atienza family na naka sabit, ang isa sa picture ay kung saan kumpleto silang tatlo na pamilya at ang isa naman ay solo picture ni Sir Dennis, Gwapo naman talaga itong nag iisang anak nila Mrs. Atienza at Mr. Atienza pano ba naman parehong maganda at gwapo ang pinang-galingan, lalong naka dagdag sa kagwapohan nya ang nunal na nasa dulo ng kaliwang kilay nya, mas gwapo pa nga ito sa ibang artist na napapanood namin ni Mina sa T.V bukod kasi sa matangkad ang ganda pa ng katawan na parang modelo, "Naku Mina pinag papantasyahan mona naman yan si Sir Dennis"...biro ko sa kaibigan ko, "Ano kaba Nica hindi noh, iniisip ko lang naman kung ano na sya ngayon dahil sa picture lang natin sya nakikita, matagal rin kasi natin sya hindi nakita, natatandaan mo siguro Grade 3 lang ata tayo nong umalis sya dito sa Hacienda para mag aral sa America" "Oo nga Mina, pero bakit moba iniisip kasi yan eh hindi naman natin sya close, ngi hindi nga natin sya naging kaibigan eh at lalong hindi tayo nya kilala"..."wika ko, "Siguro crush mo sya Mina noh"...biro ko sa kaibigan ko, "Naku kilabutan ka nga sa sinasabi mo Nica, alam mo naman kung ano ang tsimis dito sa hacienda tungkol sa kanya"...wika naman ni Mina, Usap Usapan kasi minsan sa buong hacienda ang pagiging sutil at pasaway nitong nag iisang anak ng mag asawang Atienza, bukod pa don ay naririnig din namin ang pagiging babaero nito, maya maya pa ay sabay kaming Napa lingon ni Mina sa may bandang kusina ng lumabas dito si Mrs. Atienza, "Oh mga Hija nandito na pala kayo"...masayang wika sa amin ni Mrs. Atienza ng makita kami habang papalapit ito sa amin ni Nica, "Magandang gabi po Mrs. Atienza"...sabay na bati namin ng kaibigan ko, "Salamat mga hija, magandang gabi rin sa inyo"...bati din nito sa amin, Lahat ng mga taong taga rito sa amin ay Mrs. Atienza at Mr. Atienza ang tawag sa mag asawa, ito kasi ang gusto nilang itawag sa kanila imbes na Donya Dena o Don Nestor, sila kasi yung tipo na tao na kahit gaano sila kayaman ay gusto nila wag silang ituring na mas mataas sa amin, kaya naman lahat ng taga rito sa amin ay mahal na mahal sila lalo na ang mga tauhan nila sa hacienda tulad namin ni Mina, sila rin ang nilalapitan ng lahat pag may mabigat ng pinagdadaanang problem, ang ibs sa amin, handa rin kasi sila tumulong oras na nangailangan ang isa amin na gipit sa pera, ganon sila kabait sa kapwa nila kaya maswerte kaming lahat na may taong katulad nila na pwide namin malapitan sa oras ng kagipitan, "Mrs. Atienza pinatawag nyo daw po kami sabi ni tatay kahapon"...magalang na tanong ni Mina, "Ahh oo mga hija, eh gusto ko kasi kayo tanongin kung kailan nyo ba balak mag apply bilang guro, may kaibigan kasi ako sa maynila na pwideng maka tulong sa inyo, irerecomenda ko sana kayo"...masayang wika sa amin ni Mrs. Atienza at nagka tinginan kami ni Mina, "Naku po Mrs. Atienza, salamat po pero wag na po kayo mag abala, sobra sobra na po ang tulong na naibigay nyo sa amin, nakakahiya po na pati sa pag hahanap ng trabaho ay kayo pa po ang gagawa ng paraan, sapat na po sa amin na naka tapos kami dahil sa tulong nyo po ni Mr. Atienza "...wika ko, "Oo nga po Mrs. Atienza at isa pa po sa susunod na taon na po namin balak ni Nica na maghanap ng trabaho bilang guro, at gusto po namin dito rin po kami mag turo sa lugar natin, para hindi rin po kami mapalayo sa pamilya namin"...wika ni Nica, "Ganon ba o sige basta pag may kailangan kayo wag kayo mahiyang magsabi sa akin huh"...masayang wika sa amin ni Mrs. Atienza, "Opo, pero sa ngayon po Mrs. Atienza kami na mona ang tutulong sa inyo para sa pag dating ng anak nyo po, ano po bang maitutulong namin dito?"...naka ngiting tanong ko, "Naku tamang tama, alam kong masarap kayong mag lutong dalawa, kaya kayo na lang ang tumulong sa akin sa kusina sa pagluluto sa paboritong pagkain ng anak ko"...naka ngiting wika ni Mrs. Atienza at halata sa mukha nya ang pananabik sa pag dating ng nag iisang anak nila ni Mr. Atienza kaya naman sumabay na kami ni Mina sa kanya papunta sa may kusina para tulongan ito sa mga lulutoin nya,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD