KABANATA-9

1005 Words
Nica's POV "Nica! Nica! Nica!"...sunod sunod na tawag sa akin ni Mina ng makapasok ito sa kusina galing sa labas, nandito kasi ako ngayon sa kusina kasama si Aling Berta at ilang mga kasambahay para tumulong sa mga hugasin nila, habang si Mrs. Atienza naman ay sabik na nag aabang sa may malaking pintuan para sa pag dating ng anak, "Ano ba yan Mina? ang lakas ng boses mo nakakahiya nandito tayo sa mansyon"...saway ko sa kaibigan ko habang pinagpapatuloy ko lang ang pagpupunas ko sa mga hinugasan namin ni Aling Berta, "Pasensya naman pero kasi dumating na si Sir Dennis"...masayang wika ni Mina at napa tingin na lang ako sa ibang kasambahay na nagmadaling sumilip sa labas ng marinig ang sinabi ni Mina, maya maya pa ay nabitawan ko ang hawak hawak kung pamunas ng plato ng bigla na lang ako hilain ni Mina, "Mina naman eh, pwede bang dahan dahan naman"...reklamo ko habang hila hila nya ako at mabilis ang bawat hakbang nya kaya napapasunod na lang ako, "Hay naku Nica, ang bagal bagal mo kasi,"...wika nito, "Bakit ba kasi kailangan pa natin makisali sa pag silip kay sir Dennis eh sigurado naman makikita din natin sya dahil nandito lang sya"...wika ko, pero hindi man lang nakinig sa akin si Mina, "Ang gwapo gwapo talaga ni sir Dennis"...wika ng isang kasambahay na si Megs na matanda lang ng kunti sa amin ni Mina at tulad namin ni Mina ay dalaga din ito, "Oo nga pati yung kasama nya"...kinikilig na wika naman ng isang si Rosita na kaseng edad naman namin ni Mina at dalaga rin ito, "Saan paba magmamana kundi kay Mrs. Atienza at Mr. Atienza na maganda at gwapo"...wika naman ni Ate mhel, si ate Mhel naman ay mga nasa 35 taong gulang na, kasambahay sya sa mansyon habang ang asawa naman nito ay sa may tubohan at maisan nag tatrabaho at may isang anak na babae, tulad namin ni Mina ay nasa loob din sila ng hacienda dalawa nakatira ni Rosita maliban lang kay Megs, araw araw sila pumupunta dito sa mansyon para sa trabaho nila, si Aling Berta lang ang dito na talaga tumutuloy sa mansyon ng mga Atienza, "Uy Rosita Megs Ate Mhel. pasilip naman kami, sinakop nyo na ang buong pintuan eh"...wika ni Mina sa tatlo na at agad naman nila kami binigyan ng ispasyo para maka silip din, "Oh Nica okay ka lang ba?"...nag aalalang tanong sa akin ni ate mhel dahil bigla na lang ako nasamid, kaya napa tingin ang apat sa akin, "Okay ka lang ba Nica"...tanong naman ni Mina sa akin, "Ah Oo okay lang ako pasensya na"...naka ngiting wika ko, at agad naman nila binalik ang mga tingin nila sa mga amo namin na nag uusap usap sa tapat ng malaking pintuan na papasok sa mansyon kasama ang kaibigan ni sir Dennis, Hindi ko kasi alam kung bakit bigla na lang ako nasamid ng makita ko si sir Dennis, para kasi akong naka kita ng sikat na gwapong artista sa pagka tao nila ng kaibigan nya, mas gwapo nga ito sa personal, sabagay gwapo naman kasi talaga sya noon pa, nakikita na kasi namin sya ni Mina nong mga bata pa kami, pero mas lalo syang gumwapo ngayon, maya maya pa ay napalingon kami kay Aling berta ng tawagin nya ang tatlong si Rosita Megs at Ate mhel, "Pa rito nga kayong tatlo at marami pang gawain dito"...hiyaw ni Aling Berta sa kanila, "Hala aling berta bakit kaming tatlo lang? pano itong si Nica at Mina?"...reklamo ni Megs, "Hoy Megs, nakalimutan mo ata na bukas pa ang pasok nitong si Mina at Nica! buti nga tumulong silang dalawa sa atin ngayon"...seryosong wika ni ate mhel kay megs, "Oo nga, salamat sa inyong dalawa huh"...wika sa amin ni Rosita at tumango naman ako sa kanya bilang tugon, "Oh Hali na kayong dalawa at ng matapos ng maaga ang trabaho natin"...pagyayaya ni Ate mhel sa dalawa at sumunod naman agad ang mga ito pero iniwanan mona kami ni Megs ng irap bago ito sumunod kay ate mhel at Rosita, "Aba may pa irap irap pang nalalaman"...inis na wika ni Mina at akmang hahabolin pa nya si Megs pero pinigil ko sya, Sa lahat kasi kami na kasambahay ay itong si Megs ang may pagka ugaling hindi ko maintindihan medjo matagal tagal na rin namin sya nakakasama siguro ay mga isang taon na rin, sya rin kasi ang huling kasambahay na pumasok dito sa mansyon ng mga Atienza pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin sya lubosan kilala lalo pa at sa labas ito ng hacienda naka umuuwi, "Mina wag mona patulan, kilala mo naman yang si Megs laging ganyan"...saway ko sa kaibigan ko, "Iba talaga ang pakiramdam ko sa babaeng yan kasi eh, nakakainis minsan ang arte pa, ayaw mautosan sa gawain bahay pero kasambahay ang pinasok na trabaho, tapos laging ang kapal ng lipstick at blush on mas mukha pa syang pok_____"iritang wika ni mina at hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil tinakapan ko ang bibig nya gamit ang isang palad ko bago pa nya matuloy ang sasabihin nya at may makarinig pa sa kanya, alam ko kasing sasabihin nya na mas mukha pa daw pokpok si Megs kesa sa kasambahay, "Mina yung bibig mo, ipreno mo nga yan minsan mapapahamak ka sa mga lumalabas jan sa bibig mo eh"... mahinang saway ko sa kaibigan ko ng tanggalin ko ang kamay ko sa may bibig nya na naka takip, "Eh totoo naman kasi eh"...wika pa nito, "Kahit pa Mina, hayaan mo na lang sya, baka mamaya pag pinatulan mo yan mag away pa kayo dito, nakakahiya kay Mrs. Atienza at Mr. Atienza, alalahanin mo ang laki ng utang na loob natin sa mag-asawang Atienza, nandito tayo para magtrabaho para kahit papaano man lang masuklian natin ang mga tulong nila sa atin, hindi tayo nandito para patulan yan si Megs"...pag-papaalala ko sa kaibigan ko, "Hay naku Nica, mabuti na lang talaga nanjan ka para paalalahanan ako"...wika nito sabay hinga nya ng malalim,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD