KABANATA-13

1035 Words
Nica's POV TOK TOK TOK Habang kumakain kami ng almusal ay napa lingon ng sabay si mama at papa sa may pintuan ng may sunod sunod na kumatok dito, Sabado Alas siyete ng umaga ganito kami kaaga mag almusal dahil maaga rin pumupunta ng tubohan at maisan si mama at papa habang ako naman ay alas nuwebe ang punta ko sa mansyon pag ganitong Sabado hanggang linggo kasama ang kaibigan kong si Mina, "Nica!!"...tawag sa akin ng taong mula sa labas ng pinto, "Oh anak, ang aga naman ata ni Mina? Alas siyete pa lang ah"...wika ni papa sa akin ng marinig ang boses ng kaibigan ko sa labas, "Oonga po papa, sandali lang po at pagbubuksan ko po sya ng pinto"...paalam ko kay mama at papa para pagbuksan ng pinto ang kaibigan ko, "Magandang umaga Mina, ang aga mo naman ata?"...bungad ko kay mina ng mapagbuksan ko sya ng pinto, "Oo hindi na kasi tayo nakapag kwentohan kagabi ng umuwi tayo galing sa mansyon kaya talagang inagahan ko ang pagpunta dito, si tiya Veronica at tiyo Samuel nakaalis naba?"... Naka ngiting tanong sa akin ng kaibigan ko, "nandito pa sila at nag aalmusal pa mina, halika tara sa loob"...pagyayaya ko naman at niluwagan ko ang pagka-bukas ko ng pinto, "Magandang umaga po tiya tiyo"...bati ni Mina sa mga magulang ko ng makapasok ito sa loob ng maliit naming tahanan, "Magandang umaga rin sayo Hija"...sabay na bati naman ni mama at papa, "Oh mina halika at sumabay ka sa almusal namin"...pagyayaya ni mama rito, "salamat po tiya tiyo, tapos na po ako sa bahay, maaga rin kasi pumunta ng tubohan at maisan si itay,"...naka ngiting sagot ng kaibigan ko at tumango na lang si mama bilang tugon sa kanya, "Sige na Nica taposin mona ang pagkain mo hihintayin na lang kita dito"...wika naman nito sa akin sabay upo nya sa mahabang lumang upuan na gawa pa sa kawayan, "Kung bakit naman kasi Mina ang aga aga mong pumunta dito, naghihintay kapa tuloy, isa pa maglilinis pa ako ng bahay pagka alis ni mama at papa"...mahinang wika ko sa kanya habang nakatayu ako sa mag gilid nya, at sya naman ay naka tingala sa akin, "Ayos lang yan Nica, sabi ko nga sayo para makapag kwentohan pa tayo, at tutulongan na rin kita sa gawain mo rito habang nag kwekwentohan tayo, kaya sige na taposin mona ang almusal mo"...mahinang wika nito ng may kasamang ngiti, Napa buntong hininga na lang ako ng bumalik ako sa hapag kainin dahil sa kakulitan ni Mina, ang buong akala kopa naman ay nakakalimut na nya makipag kwentohan sa nangyari sa amin kagabi ni sir Dennis, sabagay si mina paba makakalimutan ang ganon pangyayari? "Oh Anak, Mina mauna na kami huh, kayo ng bahala dito"...paalam sa amin ni mama ng matapos kaming mag almusal, "Opo Ma, maglilinas lang ako ng bahay at pupunta na rin kami ng mansyon ni Mina"...wika ko, "wag mong kalimutan isarado yung pintuan at mga bintana pag umalis kayo anak"...paalala naman sa akin ni papa, "opo pa"...maikling sagot ko at tuloyan na silang umalis papunta sa maisan at tubohan ng mga Atienza, Kagaya ng sinabi ni Mina sa akin kanina ay tinulongan ako nito sa gawaing bahay habang nag uusap kami patungkol sa nangyari sa amin ni sir Dennis hanggang sa pag wawalis na lang sa labas ng maliit na bakuran ang tataposin namin, Sa labas kasi ng maliit na bahay namin ay may dalawang puno na magkatabi at may mahabang upuan sa gitna na gawa pa ni papa na kung saan ay nalaglag ang mga hinog nitong dahon araw araw, kaya tuwing umaga ay niwawalis ko ito, Matapos namin mag walis ni Mina ay naupo kami sa upuan na nasa ilalim ng puno, "Oh masakit paba yan Nica?"...tanong ni mina sa akin ng hilot hilotin ko ang isang braso ko na mahigpit na hinawakan ni sir Dennis kagabi, "Medjo kumikirot Mina pero hindi naman masakit"...sagot ko, "Huh? Ewan ko sayo Nica, may kirot bang hindi masakit, ano gusto mo gantihan natin?" Bigla akong napa tingin ng seryoso sa kaibigan ko dahil sa sinabi nito, "Hoy Mina ano ba yang pinag sasabi mo? Nakalimutan mo ata na anak ni Mrs. Atienza at Mr. Atienza yun! At isa pa kasalanan ko naman talaga eh" "Eh hindi mo naman sinasadya diba? Parang naapakan lang akala mo naman ikakamatay na nya, Tapos tinawag ka pang stupid woman, aba sa tagal nating magkaibigan at magkasama ngayon ko lang ata narinig na may taong tumawag sayo ng ganon" "Maapakan moba naman ang isang Atienza Mina, kaya ayos lang yun, nasa lugar naman yung pag tawag nya sa akin ng ganon, basta wag na wag lang nya ako tatawagin ulit ng ganon pag wala naman akong kapalpakan na nagawa kundi papatulan ko yun"...pabirong wika ko, "dapat lang Nica, at isa pa alam kong kahit patulan mo yun hindi magagalit sayo si Mrs. Atienza at Mr. Atienza noh, kilala mo naman ang mag asawang yun pag ikaw ang nasa tama kahit pa siguro anak nila yun ikaw ang kakampihan nila"...seryosong wika ni Mina, Tama naman si Nica, isa sa mga ugali rin ng mag asawang Atienza ay ang pumanig sa tama, pero ewan ko lang kung ang anak na nila ang pinag uusapan, lalo na kung nag iisang anak nila ito, "teka Nica, alam ba ni tiya at tiyo ang ginawa sayo ni sir Dennis kagabi Nica?"...biglang tanong sa akin ng kaibigan ko, "Hindi nga Mina eh, hindi kona lang binanggit sa kanila at wag mo na lang din sasabihin sa kanila baka mag alala lang sila, lalo na si mama baka mamaya akohin pa nya ang paninilbihan ko sa mansyon pag nalaman nya, kilala mo naman si mama, ayuko naman madagdagan pa ang trabaho nya sa pag sama sama nya kay papa sa maisan at tubohan" "Wag ka mag alala Nica, wala akong sasabihin sa kanila, alam ko naman na may pagka OA rin minsan yan si tiya pagdating sayo, simpre nag iisang anak ka rin naman nila noh, at isa pa ayuko rin naman na si tiya na yung susunduin ko dito sa inyo tuwing sabado at linggo papunta sa mansyon"...pabirong wika ni Mina at sabay pa kaming nag tawanan ng mahina,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD