KABANATA-20

1167 Words
Nica's POV "Uyy Nica, kanina kapa lutang jan ah, ano ba yang iniisip mo?"...tanong sa akin ni Mina habang nililigpit namin tatlo nila Rosita ang pinagkainan almusal ng mga amo namin, "Oonga nica pansin ko rin parang ang lalim ng iniisip mo mula ng dumating kayo nitong si Mina kanina dito sa mansyon"...singit naman ni Rosita, "Rosita May nakita ba kayong bagong sasakyan sa labas? O may bisita ba kanina si Mrs. Atienza at Mr. Atienza bago kami dumating dito ni Mina?"...biglang tanong ko kay Rosita dahil mas maaga kasi ito pumapasok sa amin ni Mina, "Huh? Bakit Nica?"...takang tanong nito sa akin pabalik, "Kanina kasing alas-tres? ng madaling araw lumabas ako ng bahay para maligo don sa may poso namin, tapos may natanaw akong dalawang sasakyan na pumasok sa may Gate"...sagot ko, "Baka naman lumabas ang mga amo natin? Pero imposible naman na ganong oras ay lalabas si Mrs. Atienza at Mr. Atienza"...takang sabi ni Rosita, "Baka naman namalik mata ka lang Nica at wala ka naman talagang nakita na sasakyan ng ganong oras na, at bakit kaba kasi naliligo ng madaling araw din?"...tanong naman ni Mina, "Mainit kasi mina kaya naisipan kong maligo ng ganong oras"...sagot ko naman, dahil naka ugalian kona maligo ng ganong oras pag naiinitan ako sa gabi dahil wala naman kaming electric fan, "Namalik mata kalang Nica dahil sa init"...ulit pa ni Mina sa sinabi nya, "Ano kaba Mina, totoo yung nakita ko natanaw kopa nga yung mga tao na lumabas mula don sa sasakyan eh at isa pa malamig na ang nararamdaman ko nong matanaw ko sila dahil tapos na ako maligo ng matanaw ko yung Dalawang sasakyan"... Sagot ko kay mina, "Mga tao? Ibig sabihin marami sila"...tanong naman ni Rosita, "Apat sila, dalawang babae at dalawang lalaki at base don sa tindig ng dalawang lalaki parang si Sir Dennis at sir Billy at alam ko rin na hindi sasakyan ng mga Atienza yung isang sasakyan kasi kulay pula yun eh, alam kong maraming sasakyan ang mga amo natin pero yung ganon na sasakyan parang hindi kopa nakita yun dito sa loob ng Hacienda ng mga Atienza,"...Sagot ko kaya nagka tinginan si Mina at Rosita, "Hindi kaya lumabas si Sir Dennis at sir Billy"...sabay n wika ni Rosita at Mina, "Tapos nag dala sila ng babae dito sa mansyon ng ganong oras"...takang wika naman ni Mina, "Naku mukhang Alam kona"...biglang wika ni Rosita, "Na ano?"...sabay na tanong naman namin ni Mina sa kay Rosita, "Mukhang tumakas si sir Dennis at Sir Billy kagabi para lumabas, baka nag Bar sila at may nakilalang mga babae don sa bar, edi ba nga may malapit na bar dito"...mahinang wika sa amin ni Rosita, "Pano ka naman nakaka siguro jan sa sinasabi mo Rosita"...tanong naman ni Mina, "Kasi kagabi mga pasado alas onse nakita kong lumabas ng gate yung sasakyan ni Sir Dennis dahil bumalik ako dito sa mansyon nakalimutan ko kasi yung binalot kong pagkain para kay inay kaya binalikan ko, nagtaka nga ako bakit lalabas ng ganong oras si sir Dennis eh malamang magkasama din sila ni sir Billy kung sakaling lumabas nga itong si sir Dennis"...wika ni Rosita na halos pabulong lang para walang maka rinig, "Nica, Mina, Rosita, ano bang ginawa nyo at nagbubulongan kayo jan? Yung mga hugasin oh hindi nyo pa rin natatapos iligpit kanina pa yan ah"...hiyaw sa amin ni ate mhel, "Pasensya na po ate mhel"...pag hingi ko ng pasensya kay ate mhel dahil hindi na namin namalayan tatlo na ilang minuto na pala kaming nag uusap usap kaya hindi kaagad namin na tapos ang trabaho namin, Matapos namin iligpit lahat ng hugasin ay mag isa akong bumalik sa dining area para punasan ang lamesa at mga upuan, "Nica!"...tawag sa akin Mrs. Atienza mula sa aking likod kaya napa hinto ako sa aking ginagawa at humarap ako sa kanya, "Mrs. Atienza, ano po yun may kailangan po ba kayo?"...magalang na tanong ko, "Makikisuyo lang sana ako sayo Hija na mamaya gisingin mo si Dennis at Billy dahil anong oras na rin at hindi pa sila nag aalmusal, pupunta lang kasi kami ni Nelson sa maisan at tubohan para kamustahin ang mga trabahador don malapit na rin kasi i-harvest ang tubohan at baka may mga kailangan sila"...wika sa akin ni Mrs, Atienza, "Sige po Mrs. Atienza mga anong oras ko poba sila gigisingin?"...tanong ko, "Pagka tapos na pagka tapos mo jan sa ginagawa mo hija at pakihandaan na rin sila ng almusal nila huh," "Opo Mrs, Atienza" "Salamat Hija" "Let's go hon"...wika naman ni Mr. Atienza sa kanyang Mrs, "Oh sige hija pasabi na rin sa mga kasama mo na umalis na kami huh"...si Mrs. Atienza, "Opo Mrs. Atienza ingat po kayo"...naka ngiting wika ko sa dalawang mag asawa, Pagka alis ng mag asawa ay agad kong tinapos ang aking ginagawa pinaalam ko rin sa mga kasama ko na umalis ang mag asawa, tinulongan din ako ni Aling Berta sa pag hahanda ulit ng almusal para kay sir Dennis at sir Billy, Sabi nga ni Aling Berta sa akin habang hinahanda namin ang almusal ng dalawa, ay hindi daw kasi nakaka sabay ang dalawa sa almusal ng mag asawa dahil pareho pa daw itong ayaw bumangon at sabi nga din daw ni Mrs. Atienza hindi nga daw kasi sanay mag almusal ng maaga ang dalawa palibhasa daw kasi ay hindi sila laking probinsya kaya hindi nila alam kung paano gumising ng maaga at matulog ng maaga kaya ang nangyayari tuloy tuwing tanghalian at haponan lang din sila nakakasabay ng mag asawa, minsan kasi alas siyete pa lang tapos na mag almusal si Mrs. Atienza at Mr. Atienza, "Pero kahapon po Aling Berta naka sabay naman po yung dalawa sa almusal ng mag asawa"... Wika ko, "Oo nga dahil nakiusap sa kanila si Mrs. Atienza dahil nga unang araw nila dito at gusto ni Mrs. Atienza sabay sabay sila mag almusal"...sagot naman sa akin ni Aling Berta at tumango tango na lang ako bilang tugon, "Pagka tapos mo gisingin yung dalawa Hija palitan mona ng mga kumot at punda yung mga unan sa kwarto nila Mrs. Atienza huh para malabhan nyo na ni Mina kaagad"...bilin sa akin ni Aling Berta, Trabaho na kasi namin yun ni Mina tuwing linggo ang palitan ng bago ang kumot at mga unan ng mag asawang Atienza para labhan naman yung nagamit nila, "Eh yung dalawang kwarto po Aling Berta papalitan din po ba?"...tanong ko na ang tinutukoy ko ay kwarto ni Sir Dennis at sir Billy, "Ahh yung kwarto ni Dennis at ng kaibigan nya? Saka na yun hija dahil kakagamit lang naman nila sa susunod na pasok nyo na lang ni Mina"...sagot sa akin Aling Berta, "Okay po Aling Berta" "Oh sya hija ako na at si Mhel ang maghahatid ng almusal ng dalawa sa hapag kainin, at ikaw puntahan mona yung dalawa at gisingin mona"...utos sa akin ni Aling Berta, "Sige po Aling Berta"...wika ko at naglakad na ako palabas ng kusina para gisingin si sir Dennis at sir Billy,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD