Kairon's point of view "Simula ngayon dito ka na magtatrabaho sa pamilya Del Guerio, magiging hardenero ka nila. Paborito ng mag-asawa ang garden nila kaya pagbutihin mo," sabi ng matandang babae na kumuha sa akin sa aking tiyahin. "Ano nga ulit pangalan mo?" "Kairon po, puwede pong Kai na lang, Nay koring." "Sige na, pumunta ka na sa garden tingnan mo puwede mong gawin doon." Tumango ako at masayang lumabas sa malaking bahay. Maswerte na ako at napunta ako rito kaysa sa bahay ng tiyahin ko na kulang na lang ay hindi ako patulugin kakatrabaho at wala pang sweldo. Nang makarating ako sa garden ay nakita ko ang ilang matataas na damo at mga dahon na nagkalat. Noong nakaraan pa kasi umalis ang hardenero ng pamilya ng Del Geurio kaya hindi naaalagaan. Kinuha ko ang hose upang magdilig m
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


