Chapter 13: Save my husband "Bakit hindi mo sinabi sa akin nang huli natin pag-uusap na ginagago ka ng asawa mo?" tanong ni Damond sa akin habang nakapameywang sa aking harapan. Nasa bahay niya kami ngayon. Kinakalma ko ang sarili ko dahil kanina pa ako umiiyak, pakiramdam ko ay bigla na lang matutumba. "Ibalik mo na ako doon Damond, baka kung anong nangyari na sa asawa ko." Pinunasan ko ang luha ko sa mata. Dapat akong maging matatag. Baka tama si Kai, harapin namin 'tong magkasama. Hindi ko dapat siya iniwan ng gano'n na lang. "Jesus! Dawn! Niloko ka na niya! Nakabuntis siya ng iba tapos iniintindi mo pa rin? Ganyan ka ba kamartir?!" Halos mapaigtad ako sa lakas ng sigaw niya. Mukhang nakita niya ang takot sa mukha ko kaya umupo siya sa tabi ko at sinapo ang mukha ko. "Please, ka

