Chapter 16: So this is the end? "Paano kapag nalaman ni Kai iyan Dawn? Asawa mo siya karapatan niyang malaman." Napatingin ako kay Mary. Kinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyari. Hanggang sa pagpunta ni Damond sa bahay kagabi. Hindi ako nakapagsalita, "Magagalit siya," sagot ko. "Magagalit siya pero para sa kaniya naman lahat ng ginagawan mo, girl ang tindi mo nga nakukuha mo pang-alagaan ang taong nananakit sa'yo? Nakabuntis siya ng ibang babae tapos ganyan. Nako kung ako 'yan pinutulan ko 'yan ng junjun," mahabang wika niya. "Nakagawa ng pagkakamali ang asawa ko pero hindi siya masamang tao." Aumikip ang dibdib ko sa binibitawan kong salita. "Nakausap niyo na ba si Avon? Kung ako 'yon kinalbo ko ang babae na 'yon!" Umiling ako, "Hindi ko pa siya ulit nakakausap. Pakiramdam ko ma

