Chapter 11: It's my job Napatingin ako sa kamay ni Kairon na may dugo pa, mariin akong pumikit bago ito tanggapin narinig ko ang malakas na buntong-hininga niya na parang nakahinga siya ng maluwag na sasama ako sa kaniya. Mahigpit na kinabig niya ako papalapit sa kaniya at niyakap. Lumuwag ang pakiramdam ko ng nasa bisig ako ng aking asawa pero tinigasan ko ang aking puso. May problema pa kaming hindi naaayos. Bahagya kong tinulak si Kairon para makita ang kaniyang mukha. Malamlam ang mata niya habang nakatingin sa akin. Kitang-kita ko ang pagod sa mata niya. Ano kayang ginawa nito buong araw? Pinunasan ko ang noo niya na may kaunting pawis. "Kumain ka na ba?" malumanay na tanong ko. Namula ang mata niya. "I'm sorry." para siyang maiiyak na ewan. "Umuwi na tayo but first you have t

