GAYUMA 4

1338 Words
Nakasimangot na binuksan ko ang pinto ng silid ni Jeff, ang sarap sapakin ni Kuya Billy. Konti na lang makakawakan ko na ang dapat kong hawakan pero bigla naman dumating itong si Kuya. Sakalin ko kaya ito? "Kuya! Parang may sunog kung makakatok ka wagas!" angil ko sa kapatid ko. "Nag-aalala lamang ako at baka ginahasa muna si Jeff, grabe pa naman ang pagnanasa mo sa kaibigan mo, Bettina," mapang-asar na saad ni Kuya Billy. Kaya naman sumama ang tingin ko sa aking kapatid. Pansi ko'y mas nag-aalala pa si Kuya sa kalagayan ni Jeff kaysa sa akin na kapatid niya. "Woow! Ikaw na talaga kuya hanga na talaga ako sayo," asar na wika ko. "Sinasabi ko lang ang totoo Bettina. Saka lumabas ka na nga ng silid ni Jeff, hindi magandang tingnan na pumapasok ka sa kwarto ng isang lalaki kababaeng tao mo," anas nito sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at tuluyan na lang lumabas ng kwarto nang mahal ko. Hinintay na lang namin ang pagbaba ni Jeff. Pero masama pa rin ang loob ko. Tumingin ulit ako sa kapatid ko. At pairap ko siyang tiningnan. Balak ko pa sanang tadyakan. "Ano'ng problema mo Bettina? Panay ang irap mo sa akin?" tanong nito habang umiiling. "Huwag mo akong kausapin kuya Billy dahil naiinis ako sa 'yo!" singhal ko sa aking kapatid sabay halukipkip ng mga braso ko. Hindi nagtagal ay may narinig kaming yabag ng paa na pababa ng hagdan at alam kong si Jeff iyon. Tumayo ako upang umuwi na lamang. Lalo lang sasama ang loob ko kung magtatagal pa ako rito. "Kuya Billy, uuwi na pala ako," pairap na paalam ko rito. "Uuwi ka na agad Bettina? Maaga pa, ah, ayaw mo bang magtigil dito, oh, makasabay kaming mamaya?" mapang-asar na tanong sa akin ni kuya. "Ayaw ko kuya, saka inaantok na rin ako," saad ko at pagkatapos ay agad na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Hindi ko na nga hinintay si Jeff na makalapit sa pwesto naman. Wala naman akong narinig na salita mula sa aking kapatid. Ngunit nakita kong umiiling si kuya Billy. Sabagay minsan kasi hindi nila maiintindihan ang ugali ko. Lalo na kapag hindi na susunod ang gusto ko ay parang ang sama lang sa loob at hindi ko matanggap. Tumalikod na lamang ako at tuloy-tuloy na naglakad papalabas ang bahay ng mahal ko. Pero sa aking isipan ay hindi muna ako uuwi. Sasagap muna ako ng maaliwalas na hangin dito sa buong villagen. Saka baka makakita ako ng matinong kausap. Ngunit biglang kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang isang matandang babae. Nakaupo ito sa upuang bato, lagi ko siyang nakikita rito at pinapanood ang mga batang naglalaro. Kaya hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa matandang bababe. Biglan naman itong bumaling sa akin sabay ngiti ng matamis at tila magkakilala kami. "Hi, Lola," pagbati ko. "Umupo ka, hija," pag-aalok nito sa aking umupo sa bakanting upuang bato. "Salamat po," magalang saad ko sa matanda. "Mukhang my problema ka, hija? Baka may maitulong ako sa 'yo," nakakangiting sabi nito sa akin. "Halata po ba, lola?" tanong ko rito. Pero ang mga mata ay lalong pinalungkot pa. "Oo, hmmm! Kung hindi ako nagkakamali ay dahil sa isang lalaki kaya ganyan kalungkot ang iyong awra nababasa ko rin sa 'yong mga mata na may gustong kang makuha, tama ba ako, hija?" tanong nito sa akin. Malungkot akong tumingin sa matanda, sabay buntonghininga nang malalim. Ngunit nagulat ako nang bigla na naman itong magsalita na talaga namang kinatuwa ng aking puso. "Kailangan mo ba ng tulong?" tanong nito. Nagliwanag ang mukha ko sa binggit ng matanda. Mukhang may pag-asa na akong mapasaakin ang mahal kong si Jeff. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Nag-iisip po ako kung papaano ko mapapa-ibig ang mahal ko. Sa totoo lang po mahal na mahal ko si Jeff. Ang nakakasakit lang po ay sa tuwing lalapit ako sa kaniya ay siya naman ang lumalayo sa akin at para bang may sakit akong nakakahawa," malungkot na sumbong ko sa matanda. "May solusyon ako sa iyong promblema hija, ipapahiram ko ito sa 'yo nang libre. Pero kailangan mo ring ibalik sa akin," saad ng matanda. "Ano po ba ang solusyon na iyong sinasabi?" tanong ko. Ngumisi sa akin ang matanda, pansin ko'y may kinukuha ito sa dala-dala niyang bag. Nakita ko ang isang maliit na notebook. At pagkatapos ay inabot iyon sa akin. Walang alinlangan na tinanggap ko iyon. "Kapag nagawa mo ng tama ang gayuma para sa lalaking iniibig mo, siguradong mapapasayo siya. Ngunit may hangganan din ang kapit ng gayuma. Ikaw na lang ang magbasa riyan sa pinahiram ko sa 'yong notebook," mahabang salaysay ng matanda. Mayamaya pa'y tumayo na ang matanda at agad na nagpalam sa akin. Tumango naman ako rito at nagpasalamat na rin. Sinundo ko pa nga ito ng tingin habang naglalakad papalayo sa akin. At nang mawala na ito sa aking paningin ay mabilis kong binuklat ang notebook na maliit. Madali namang sundin ang instructions na nakalagay rito. Binasa ko ang mga nakasulat sa loob ng nootbook. "The effect will last for five months only!" Malakas kong pagbasa. Puwede na rin ang limang buwan, ang mahalaga mapapasaakin si Jeff, kahit limang buwan lamang. Muli kong binasa ang mga gagamitin ko sa aking gagawing gayuma. Kailangan ko ng pink candle, dagger, water, copper, jasmine incense, rosemary leaves, red cloth at hair. Anak ng tinapa saang lupalop ng mundo ko hahanapin ang mga ito? Tumayo ako at balak kong pumunta sa Mall. Hindi na ako umuwi sa bahay may pera naman ako upang bilhin ang mga gagamiti ko. Ayon sa nakasulat sa notebook, dapat daw ay Biyernes ko isasagawa ang pagpreprepara sa gayuma, dahil iyon ang araw ni Venus. Tatlong araw pa iyon. Pagdating sa Mall ay hindi naman ako nahirapang bilhin ang mga gagamitin ko. Nakauwi ako ng bahay na may ngiti sa aking labi. Sumapit ang araw ng biyernes. Matapos kong ukitan ng pangalan ni Jeff sa kandila ay pinahiran ko naman iyon ng jasmine oil. "Anoint this candle, Venus," tatlong ulit kong sinambit, gaya ng nakalagay sa instruction. Nasa loob ako ng aking silid. Sinadya kong huwag munang lumabas upang maisagawa ko ang gagawin kong gayuma. Sinindihan ko ang Kandila at insenso. Matapos ay kinuha ko ang buhok ni Jeff. Mabuti na lang nakakuha ako ng buhok nito kahapon. Halos ayaw pa ngang magbigay ng binata. Inilagay ko ang buhok ng lalaki sa isang pulang tela. Kasama ng McCormick na dried rosemary. "Venus, thank you for help. Today, Venus shall express her power through this hair and this commitment in my heart that the one l desire shall be mine." Itinupi ko ang tela at dinikdik ang laman niyon sa pamamagitan ng isang lumang coin. "With the help of Venus' metal, copper..." Matapos iyon ay pinatay ko na ang kandila at insenso. Inilagay ko rin ang tela sa ilalim ng aking unan. Kailangan kong matulog na nakalagay iyon doon. Bukas din ay maaari ko nang gamitin ang gayuma. Eksakto naman dahil bukas ay nandito si Jeff. "Perfect!" sambit ko. Kinabukasan maaga akong nagising para sa pagluluto ko ng gayumang ginawa ko kagabi. Isinalang ko ang kasirola at nilagyan ko rin ng kaunting tubig. At sinimulan ko na ang ritwal na aking gagawin. "VENUS, thank you for your help. Today, Venus shall express her powers though this hair and this commitment in may heart that the one I desire shall be mine. With the help of Venus' metal, copper." And Venus' element water..." sambit ko. Habang pinakukuluan ko ang buhok at dinikdik na rosemary sa maliit na kaserola. "Nagluluto ka yata, anak?" Muntik na akong mapatalon nang marinig ko ang tinig ng aking ina. Sa aking likuran. "Inay! Maaga yata kayo?" "Ano ba 'yan? At bakit may insenso't kandila rito, eh, nagluluto ka lang naman?" nagtatakang tanong ng inay ko. "Uhm, kasi, kuwan, aroma therapy candles 'yan, Inay. Nakaka-relax daw. Sinamahan ko na rin ng insenso, para bumango naman dito sa kusina, 'di ba?" pagtatahi ko ng kuwento. "Patingin nga ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD