Anabella PATULOY pa rin ang trabaho ng mga trabahador niya sa tapat ng bahay. Malaki na ang improvement ng ginagawa nilang pool. Napakalalim niyon at napakalaki, balak atang gawing pang-Olympic pool ni Evan. Matagal na pala kasing plinano at inasikaso ang dream pool niya, ngayon lang natupad. Dalawang linggo mahigit na ang lumipas simula nang mapunta ako sa puder niya. Ilang araw pa at linggo, makakaalis na rin ako rito. Ito naman ay babalik na sa pagsusundalo. Ang mga aso ko naman at pusa ay may kaniya-kaniyang tirahan sa labas ng bahay. Malaki rin ang ginastos ni Evan sa paglipat ng mga ito rito, pero wala naman itong naging reklamo. Natutuwa rin siya sa mga alaga ko. “Tara na,” aya nito matapos kong maisuot ang flat sandals ko. Suot ko rin ang kulay kape na bestida na binili niya pa

