Kabanata 24

3325 Words

Anabella “Tita, after this, you know . . .” Nahihiya akong ngumiti kay Tita Karina na agad akong tinapik sa balikat. “I know and I understand, hija. Go lang, basta mag-iingat ka palagi at huwag magpapahuli, ha? Lagot ka sa mga nakakakilala sa iyo rito kapag nalaman nila.” Tumawa ito sa huling sinabi na ikinangiti ko. “O, siya. Aalis na tayo. Okay na ba ang lahat?” Nakahinga naman ako nang maluwag sa narinig. Nag-thumbs up pa ako rito bago lumapit sa mga nagkukumpulang mga tao na sasama sa martsa. This is it. Ang araw na huli ko nang makikita pa ang mukha ng aking ama na mahimbing na nakaratay sa kaniyang kinahihigaan. Sana lang ay mapigilan ko ang mga luha ko mamaya. Masiyado pa naman akong emosiyonal lalo na pagdating kay ama. Ayokong paghinalaan ako ng mga nakapaligid sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD