Anabella “Smells good, hmm . . .” Napaigtad ako nang maramdaman ang lalaki mula sa likuran ko. Muntik ko pang mabitiwan ang sandok, mabuti na lamang at maagap kong naayos ang sarili bago ito harapin. Kumunot ang noo ko nang makitang parang sinisinghot nito ang buhok kong nakalugay. Agad din nitong nabitiwan ang ilang pirasong buhok ko na hawak nito, saka ako binalingan. “Ano’ng ginawa mo sa buhok ko?” pagalit kong tanong dahil nag-uumpisa na naman ito. “Shrimps for dinner? Nakakagana tuloy kumain,” pambabalewala nito sa sinabi ko bago maupo agad sa upuan. Mataman itong nagmasid sa akin. “Sarap.” Nawe-weirdo-han ko itong tiningnan dahil sa kakaibang ngiti at saya nito sa mukha. Gayumpaman ay ipinagpatuloy ko ang pagluluto. Buttered shrimp ang ginawa ko dahil iyon lang ang naisip ko

