Kabanata 1

2177 Words
HIS LOVE, HIS MADNESS Anabella MALAMIG na hangin ang sumalubong sa mukha ko nang buksan ko ang bintana ng sasakyan. Ang mga bituin sa kalangitan ay nagkikislapan kaya bahagya akong napangiti, kahit pa sa loob-loob ko ay nais ko nang mapaiyak. Magkahalong tuwa at lungkot, dahil na rin sa mga naging alaala ko sa lugar na ito. Parang kailan lang, umiiyak pa ako sa lugar na ito. Ayoko mang bumalik ay hindi ko naman kayang tiisin ang magulang ko na alam kong hirap na ngayon sa kalagayan. Kay hirap para sa akin lalo na at ang destinasiyon namin ay ang mga taong naging dahilan kung ano at nasaan ako ngayon. Hinawi ko ang buhok. Sandali lang naman ang naging biyahe namin sa himpapawid, iyon nga lang ay gabi ang naging flight namin dahil na rin sa schedule ng uwi ni Tita Karina mula sa trabaho. Tiyak na nakaburol na ngayon ang aking ama. Napahinga ako nang malalim. “Ate, you need to see this one!” Napukaw ako ng matinis na tinig ng anak nina Tita Karina at Tito John na si Cahel, their Filipino-American daughter na inaalagaan ko. Inayos ko sa kandungan ko ang bunsong sanggol nilang anak na si Emilia bago silipin ang screen ng tablet ni Cahel. “Oh, you like falls? I know a lot of falls there in our place, Cahel. I’m pretty sure you will enjoy there,” ngiting saad ko sa bata na naghahanap pala ng mga talon sa Iloilo mula sa internet. Hinarap ako nito nang nakangiti at lalong hindi mapakali sa narinig. “Sure, Ate Bella. I wanna visit these places here,” anito pa na para bang matanda na at tutok na sa screen ng tablet. Natawa na lamang kami nina Tita at Tito sa inasta nito. Ngunit sa hindi sinasadya ay nagkatitigan kami ni Tita Karina. Bahagya itong sumeryoso na ikinalunok ko na lamang. “I heard nagsipag-asawa na ang mga kapatid mo, Bella hija,” pag-uumpisa nito ng usapan matapos ang ilang sandali. Hindi na ako nagulat pa sa balitang iyon. Kahit pa putol ang komunikasiyon namin—at wala naman talaga akong balak na makipagkomunikasyon sa pamilya ko mula pa noon—ay hindi na nakagugulat pa ang bagay na iyon. Expected ko na nga rin iyon lalo na at mga nasa tamang edad na sila para mag-asawa. Ngumiti na lamang ako kay Tita at hindi na umimik. Ilang sandali pa ang naging biyahe namin bago makarating sa dati kong tirahan na hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang ayos. Halos maluha-luha ako nang mapagmasdan ko ang kubo namin. Tila ako bumalik sa nakaraan ko rito. Ang mga sakit, saya, at lungkot ko na ayaw ko nang alalahanin pa. Marami na rin ang nagbago sa paligid ng bahay. Umusbong na ang iilang bahay sa paligid na hindi ko alam kung kanino. May ilang matatandang puno pa akong naalala rito, ngunit wala na ang iba ngayon. Napalitan na ng mga bagong puno. Pasimple kong tinakpan ang bibig nang mapansin sa bandang unahan ang burol ng aking ama—ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Nais kong humagulgol sa lungkot, lalo na noong malaman ko ang balitang pumanaw na ito sa edad na seventy. Medyo marami na rin ang mga taong nakikiramay roon, may iba pang nagsusugalan. Pilit hinahanap ng mga mata ko ang mga pamilyar na hitsura, ngunit sadyang hindi ko magawa dahil sa pagkailang. Ang lahat ay tumigil at tinitigan ang sinasakyan namin na pag-aari ni Tita Karina. Walang nakaaalam na tutungo kami rito kaya inasahan ko na ang mga bulong-bulungan. Bumaba ang magpamilyang Smith kaya napabuga ako ng hangin at lakas-loob na bumaba. Umihip ang malamig na hangin ng gabi, dahilan para tangayin niyon ang buhok ko. Doon lalong umugong ang mga bulong-bulungan. Kaya para makaalis sa pagkailang ay inaya ko sila para pumasok sa loob ng kubo. There, I found my mother. Tahimik itong nagluluto ng lugaw para sa mga nakikiramay. Hindi rin nakaligtas sa akin ang lalong pangangayayat ng katawan nito. Her hair is all gray, na kung noon ay itim pa. Kung sabagay, isang dekada at isang taon din ang lumipas simula noong bigla na lamang akong maglaho sa lugar na ito. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa batang karga-karga ko. Ngumiti ako kay Emilia bago muling harapin ang aking ina na hanggang ngayon ay hindi pa rin napapansin ang presensiya ko. Amba ko itong tatawagin upang yakapin, kung hindi lamang ako natigilan at napalunok. Tumungo na lamang ako napailing-iling sa sarili. “Criselda,” imbis ay si Tita ang tumawag. Lumingon ang aking ina at nabato sa kinatatayuan nang masilayan ang kapatid ni ama. “K-Karina?” bulalas nito at nabitiwan ang sandok na hawak. Nanlaki ang mga mata nito, saglit na napasulyap sa akin, bago yakapin ang aking Tita. Ngumiti na lamang ako nang matamlay at naupo sa tabi ni Tito John na pagod din sa biyahe. Kinuha nito sa akin ang bata at nilaro-laro na ikinahinga ko nang malalim. “Kumusta na kayo rito? Condolences, Criselda. Napasugod kami rito nang malaman namin ang nangyari kay Kuya. Ang sakit lang,” lumuluhang anas ni Tita na ikinaiwas ko ng tingin. Ibinaling ko na lamang sa kabuoan ng bahay ang atensiyon. Napangiti ako nang mapait sa isipan. Kung ano ang hitsura ng bahay na ito noong paslit pa ako ay ganito pa rin hanggang ngayon. Lubog pa rin sa kahirapan... “O—Okay lang ako rito, Karina. Salamat sa pagpunta rito.” Nilingon kami nito at ngumiti nang tipid. “Ayan na ba ang mga anak ninyo? Ang lalaki na pala,” komento nito at napatingin sa akin na agad kong iniwasan. Hindi niya ba ako nakikilala? O talagang tuluyan na niya akong kinalimutan? Hindi ko alam, pero isa lamang ang sigurado ako ngayon, dismayado ang puso ko. Nilingon pa ako ni Tita bago ngumiti nang tipid sa kausap. Wala itong naging komento kaya nakahinga ako nang maluwag. Mas mabuti na rin ang ganito na hindi niya ako naaalala, baka magkagulo pa at maging komplikado ang sitwasiyon. Besides, isang linggo lang naman kami rito, pagkatapos ay babalik na ulit kami—ako sa dating buhay sa Manila upang ipagpatuloy ang pagiging nanny ng mga bata habang hindi pa nakakapaghanap ng trabaho. Nagmano kami sa aking ina bago kami nito pagpahingahin sa dati kong kuwarto. May hagdan doon paakyat sa papag na kasing taas ko lamang, iyon ang nagsilbing kuwarto ko mula pagkabata. Maliit lamang iyon kaya kakasya lamang doon ang dalawang tao. Tila pa ako nalagutan ng hininga nang mapansin na wala na roon ang mga kagamitan ko. Ni punda at unan ay wala na, napalitan na ng mga bagong kagamitan. Kumuyom ang aking kamay at ikinalma ang sarili. “Bella, okay lang ba kung tabi kayong matulog nitong si Cahel?” pukaw sa akin ni Tita na mabilis kong sinang-ayunan. Napangiti ito at nagpasalamat sa akin. Bago umalis ay inabot sa akin ang mga gamit ni Cahel. “Are we going to sleep here, Ate Bella?” anang bata na alam kong hindi sanay sa ganitong bahay at higaan. Kinindatan ko ito at inilatag sa kawayang sahig ang maliit na kutson at inayos iyon. “Yep, why? Don’t you like it?” Marahas itong umiling at agad na nahiga sa inayos kong higaan. “Actually, no. It’s just my first time, Ate Bella. This room is cute kaya.” Nginitian ko lamang ito at pinisil ang pisngi. Napakagandang bata, ang mga mata ay tila sa manika dahil namana sa ama na Amerikano. Saksi ako mula sa pagbubuntis ni Tita rito, hanggang sa lumaki ito nang ganito kaya malapit na ang loob namin sa isa’t isa. Matapos niyon ay nakatulog agad kami sa kapaguran. Nagising na lamang ako kinabukasan na madilim pa ang paligid. Tila nawala bigla ang antok ko nang maalala ko ang gawain ko rito noon. Mabilis kong binuksan ang maliit na bintana sa uluhan ko at sinilip ang labas niyon. Sari-saring alaala tuloy ang lumabas sa isipan ko noong bata pa ako rito. Ngingiti-ngiti kong tinanaw ang malawak na lupain ng mga Montehermoso sa likod ng bahay. Iyon na ang nagsilbing palaruan ko noon habang nagsasaka ang aking itay. Sa kaniya lamang ipinagkakatiwala ng magpamilya ang lupain na iyon, ngunit nakalulungkot lamang dahil wala na ang dapat na nagsasaka niyon. Huminga ako nang malalim bago napagpasiyahang bumaba. Siniguro ko pa na may mga unan na harang sa gilid ni Cahel at baka mapunta sa bandang hagdan, malikot pa namang bata. Walang katao-tao sa ibaba pagdating ko roon. Bukas ang ilaw at napakatahimik. Naisipan kong maglinis ng sarili at magpalit ng komportableng damit bago lumabas ng kubo. Malamig pang hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko. Kakaunti na lamang ang mga nagsusugal, puro mga bata na mukhang nagdamag. Sinundan ako ng mga ito ng tingin nang subukan kong lapitan ang kabaong ng aking ama. Kagabi ko pa ito nais na silipin, ngunit hindi ko lamang magawa sa dami ng mga nakatambay rito. Taimtim kong pinagmasdan ang mukha ng aking ama na payapa nang natutulog. He was a good father. Naaalala ko pa kung paano niya pagaanin ang damdamin ko sa tuwing hindi ako okay, sa tuwing umiiyak ako at hindi na kaya ang lahat. Siya lang ang nagmahal sa akin dito kaya ngayong nakaburol na siya, kay sakit at bigat sa damdamin ko. Hanggang ngayon ay inuusig ako ng konsensiya dahil hindi ko man lang siya binalikan dito noong may pagkakataon pa ako, para man lang makumusta ko siya at masabihan na mahal na mahal ko siya. Huli na dahil alam kong hindi niya na maririnig pa ang tinig ko. Inis kong pinunasan ang luha na agad kumawala sa mata ko. Natigilan lamang ako ng makarinig ng mga magagaang yabag mula sa likuran ko. “Mamaya na lang kaya tayo, Ate?” tinig ng babaeng malambing ang boses. Umawang ang aking bibig at hindi napigilan ang sarili na hindi lingunin ang mga ito. Hindi nga ako nagkamali dahil bumungad sa akin si Venus at Megan na kapuwa mga dalaga na. Sampung taon si Venus nang huli kong masilayan, limang taon naman si Megan na makulit na bata. Ngayon ay mga dalaga na at lumaking kaakit-akit. Saglit pa akong napatitig sa mga ito bago ilihis ang tingin. Mabilis akong gumilid upang bigyang daan ang mga ito sa ama ko. Ngumiti sa akin ang dalawa at lumapit kay itay. Naghulog ito ng mga barya sa lata na naroon at naupo sa upuan sa gilid. Hindi ko alam ang gagawin kaya binalak ko na gumala na lamang kung saan. “Ate, saglit!” I gulped. Nataranta ang sistema ko nang pigilin ako ni Megan na mahilig makipagkaibigan. Ilang na nilingon ko ang mga ito at napalunok. “Po?” Lumuwag ang pagkakangiti ni Megan sa akin. “Ikaw po ’yong bagong dating dito, hindi po ba? Ano pong name ninyo?” Bagong dating? Ang bilis naman makarating sa kanila ang pagdating namin dito. Ngumiti na lamang ako nang tipid at naupo sa katapat nilang upuan. “Yep, ako nga. I’m Bella,” pakilala ko sa sarili, pilit na itinatago ang totoong pagkakakilanlan. “I’m Megan po, you can call me Meg. This is my sister naman po, si Ate Venus. Diyan-diyan lang po kami nakatira,” anito at inginuso ang kung saan na ikinangiti ko na lamang. Tunay na magagandang dilag, mabait pa. Megan is always humble and kind to everyone, kahit pa noong halos lahat ng mga tao ay laitin na ako. Venus, on the other hand, is shy. Hindi ako nagkaroon noon ng pagkakataon para makausap ito nang matagalan, ngunit nakikita ko siya dahil na rin sa pagtulong-tulong ko kay inay noon sa pamilyang Montehermoso. Kumusta na kaya ang mga kapatid nilang lalaki? Tiyak na nagsipag-asawa na ang mga iyon. Wala naman akong sama ng loob sa mga kapatid nilang lalaki aside kay Jackson, ngunit kahit pa ganoon ay ayoko pa rin silang makaharap muli. Natatakot lamang ako na kutyain muli dahil sa hitsura ko. “Nice to meet you, Megan and Venus...” Magalang na ngumiti ang dalawa at niyakap ang magarang sling bag na dala. Tila aalis pa ang mga ito dahil bihis na bihis. “Nice to meet you rin po, Ate. Saan po pala kayo galing? Sa Manila po? At sino po ’yong mga kasama ninyo na magpamilya? Amerikano raw iyong lalaki, sabi sa tsismis,” daldal nito. Siniko pa ito ng katabi na ikinailing ko na lamang “Yup, sa Manila nga. ’Yong magpamilya ay...” Bahagya akong tumigil at napaisip. Mayamaya ay hinarap ko ang mga itong muli at ngumiti. “Nagtatrabaho ako sa kanila bilang nanny.” Namilog ang mga mata nito na ikinakunot ng noo ko. “Nanny? Wow! Kung ganoon, mahilig po kayo sa mga bata? I had a friend before na mahilig din sa mga bata. Unfortunately, matagal na siyang patay kaya hindi ko na nakitang muli,” daldal pa nito kaya halos gusto nang takpan ni Venus ang bibig nito at kung ano-ano ang mga pinagsasasabi. Tipid ko itong nginitian. “Bakit daw namatay?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD