Nagising ako sa katok ni Kobe sa pinto. "Pat, kain na daw sabi ni mama mo" sabi niya habang nakangiti. May itsura rin to si Kobe eh. "Ah sige, baba na ako maya maya" Sinara ko na uli yung pinto at nahiga. Nakaidlip ako ng kaunti at nagising uli sa katok ng pinto. "Sorry pat, tinatawag ka na kasi ni tita eh" sabi niya saken habang kumamot sa ulo niya. "Ah sige pasabi kay mama bababa na talaga ako" Bumalik na ako sa higaan at humiga uli. Chineck ko yung phone ko, 8AM na pala at may texts galing kay Marine. "Good Morning sa mahal ko na grabe magpasaya saken. Sana maging maganda araw mo kasi ikaw ang nagpapaganda ng buhay ko. I love you mahal!" "Gising na mahal!" "Patrick Ramos-Hererra. Gising na!" "Halikan kita hanggang sa magising ka" "Ay joke lang yung last text pero gising na p

