"Mahal mag ingat na tayo simula ngayon ah. Baka kung anong gawin nung mga yun" sabi ni Marine saken. "Natatakot ako." Sabi ko naman sakanya. Niyakap niya ako ng mahigpit, amoy na amoy ko yung pabango at pawis niya na naghalo. Sobrang nakakaadik. "Hindi ko hahayang saktan ka nila okay? Wag ka mag alala. Andito lang ako sayo" sabi ni Marine. "Salamat." At nagbell na. Rinig namen ang ingay ng mga estudyante sa labas at lumabas na rin kami. Sa baba nakasalubong namen si Bryan, hindi pa rin niya ako tinignan at di ko rin siya tinignan. "Wag ka mag alala. Hindi naman siguro mananakit yang mga yan haha wag ka matakot mahal."sabi niya saken. "Opo." Lumipas ang araw na di ako natatakot dahil palaging andiyan si Marine sa tabi ko. Pag nakkatulog nako sa dorm eh uuwi na siya. Hindi ko pinap

