Nagising ako nang sumunod na umaga na nasa harap ko si Luke. Napasinghap ako sa gulat. "Glad you're awake. Kailangan mo na kumain. Kailangan mong bumawi ng lakas." aniya. Umiling ako. Wala akong ganang kumain. Gusto ko lang matulog ng matulog. I feel tired kahir na wala naman akong ibang ginawa kundi matulog. Parang bigla akong nawalan ng ganang gumising. "Kailangan mong kumain, Maria. Nanghihina ka. May inaalagaan ka sa loob ng tiyan mo. Please, alagaan mo naman ang sarili mo." anitong tila nagmamakaawa. Why do I feel like this? He seemed far. Ang lapit niya sa akin pero feeling ko ang layo niya. I mean that literally. Nababaliw na ata ako. Parang ibang Luke yung nasa harap ko. Parang kamukha niya lang pero hindi naman t

