01

1115 Words
TYPE Maaliwalas ang panahon ngayon kaya okay lang kahit buong mag hapong nakabilad. "Nay,tay, mauuna na po ako" agad naman lumitaw si inay sa kung saan at may mga bula ng sabon pa sa kamay. "Kumain ka naba ,anak?" tumango ako sa tanong ni itay na bigla ring lumitaw sa harap ko. "O, sige mag-iingat ka, dadalhan ka namin mamaya ng pananghalian ng itay mo" nginitian ko sila at nag tungo na sa farm namin. Malapit na kasi mag anihan ng palay at mais kaya pinahanda na nila itay ang mga trabante kung sakaling sumama ang panahon. Tuwing sabado at linggo minsan pag walang pasok o holiday ako nagtratrabaho para sa farm di pwedeng pa senyorita ako lalo na kahit nasa bukid ang balita ay lumilipad. Malapit lang ang lalakarin pero mga mata ng mga kapitbahay namin kumg makatangin parang may artistang dumaan yung iba ngumingiti ayaw nilang lumapit sa akin kahit gusto nila dahil ayaw nilang madamay sa life ko. "Aysus! ka man day, your always byutipul" natawa naman ako sa tatay ni Pekto na ang aga-aga rumaraket sa pambobola. "bente pesos po, mamaya ko na lang kukuhain, siguro mga alas nuebe pang snack" nagbayad na ako at sumaludo naman sa akin si manong. Napansin kong parang may pinag kakaguluhan sa tapat ng farm. Napailing na lang ako nang makalapit dahil nag papa-picture lang naman ang mga ito sa kung sinuman. "Girls, girls, mamaya nayan, dalagang pilipina, huminahon kayo" sinabi ko iyon habang sinusuot ang bota. Nag peace sign sila sa akin at mamaya daw talaga ay babalik sila. Hindi ko na tinapunan ng tingin kung sinuman pinagkakaguluhan nila. Pagka pasok ko sa farm ay isa-isa nila kong binati. Bago ko umpisahan ang pag-iikot ay nag attendance muna para sa mamayang pasahod. Araw-araw pasahod nila itay ayaw nilang linggohan ni inay pasahod dahil nadadaya sila dati pag pinagtatakpan ng kaibigang trabahante ang absent nito.Ban na rin sila sa farm namin na kahit lumuhod sila ay baka tagain pa sila ni itay ng itak di pa rin sila bibigyan ng trabaho. Limang daan pataas kada araw ang pasahod.Sa farm namin ang may pinaka malaking mag bigay ng sahod dahil sa kabilang bayan ay isang daan o dalawang daan lang kahit mga mag hapon ang mga itong nag tratrabaho. Nakadepende sa araw-araw na kita ng farm ang sahod nila basta ang pinaka mababa ay limang daan at ang pinaka mataas na napasahod namin ay dalawang libo at limang daan. Hindi gaanong mabagyo sa lugar namin kaya walang nalulugi kung mag cocompute ako ay 50% ng arawang kita ay sweldo ng mga trabahante 40% sa delivery ng mga track at panibagong pambili ng stocks na panananim ang 5% naman ay doon sa foundation para sa mga palaboy na kinukopkop nila itay at ang last 5% para sa pamilya namin. Malaki na ang 5% iyon para sa arawang pang gastos namin na ang tira ay laging binibigay sa akin nila inay. Inipon ko yun ng inipon hanggang sa makapag pagawa ako ng tatlong café sa mga kabilang bayan na halos 15% sa kita ng farm. Pamilya ko at tatlong manager lang ang nakakaalam na ako may-ari ng mga iyon. Tinawag ko na isa-isa ang mga pangalan nila at siguradong matagagal-tagal ito dahil isang daan at singkwenta ang trabante namin.Ayaw din nila inay na pagkatapos ng trabaho pa mag checheck ng attendance dahil may mga sumusulpot din daw dati na makakapal ang mukha para mang hingi ng sahod kahit hindi nag trabaho. Ewan ko pero sa palayan lang namin may cctv at speaker. "LR, San Agustin" tawag ko sa pangalan ngunit walang sumagot pinaikli ko yung pangalan, last na kasi nakakangawit sa panga. "Ma'am wala yatang LR" yeah, I know kasi nangawit ngala-ngala ko magbasa. "Leonard Reigo, San Agustin" ilang segundong walang sumagot ay lalagyan kuna dapat ng x ay may nag salita mula sa likuran ko. "Ganon ba kapangit pangalan ko kaya di mo mabanggit-banggit, ma'am" I don't know pero ang boses na iyon ay parang sinasabi "humarap ka at tignan mo ang mga mata ko" pero nangangawit talaga ngala-ngala ko. "Pasensya ka na ang haba kasi ng pangalan mo di ko alam kung bakit bigla rin nangangawit ngala-ngala ko" naghanap ako ng tubig habang straight ang ulo, ang isang kamay ay nakahawak sa leeg at ang isa sa panga. "Here" may nakabukas na tubig ng mineral na bumungad sa akin. Nilapit ko lang labi ko sa labi ng bote at uminom. "By the way, maganda yung pangalang Leonard Reigo pero mas gusto ko LR" inunat-unat ko ang leeg ko at nang medyo okay na ay lumingon na ako sa likod pero wala ng tao. "Gosh! pati ba multo nasa palayan na" napa buntong hininga ako sa nasa isip kong di kapani-paniwala. LR? L - R? LRT? Kaya naman pala biglang nawala akala niya siguro may balak akong sakyan siya. Pero ang sama sa pandinig yung sasakyan siya, o mahabagin! "Ma'am, nabalitaan niyo po na may palaro si mayor sa sabado" asus palaro-palaro baka yung anak niyang ignorante na akala niya maganda siya muka namang paa. "Ni mayor ? yung tatay ni mukang paa?" narinig ko naman ang ilang bungisngisan ng mga nakarinig sino ba naman kasi di magagalit sa kaniya kung mang lait sa mga magsasaka wagas mas maganda pa kalabaw namin kaysa sa kaniya pag pahabaan ng sungay mas mahaba naman kaniya. "Yes, ma'am , basketball palaro ni mayor" nangunot naman ang noo ko sa narinig. "So gusto mo kong maglaro ng basketball, Rita , ganon ba?" napakamot ulo si Rita habang nagtawanan naman ang mga natitirang malapit. "Hindi ho ma'am, grabe naman alam ko naman kaya niyo pero pang lalaki lang ang theme and for singel only " tsk. mayor tactic, aha. "Wala akong time para diyan tsaka may trabaho tayo, day" doon lang natauhan si Rita na kakagaling lang yata sa pag daydreaming. "Don't worry ma'am, ala-sais pa umipisa 5 naman out natin, ano bang type mo ma'am" hmmm ano nga bang type ko. "Type ko? topless na naglalaro ng basketball tapos may abs" sunod-sunod na naubo naman ang narinig ko. "May mga sakit ba kayo?" concern na tanong ko sa kanila pero patuloy pa rin sila sa pagubo. "Grabe naman kase ma'am, ang bold ng gusto mo paano yan pag nag laro silang ganon baka magkasakit sila,malamig kaya" "Alam mo Rita, mas magandang maging honest ka aminin mo rin mas malala pa gusto mo ron" tinignan ko ng nakakaloko si Rita habang pataas pababa ang kilay ko dahilan ng pamumula niya, haha. "Ma'am, kung abs lang po hanap niyo si Leonard po meron, wag ka na po lumayo kahit araw-araw pa di ka mag sasawa, busog ka pa" at don tumigil mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD