~ ~ ~*Nikki's Pov*~ ~ ~ "Ano may nangyari ba sainyong dalawa?" Xyla habang nakalagay ang dalawang siko niya sa mesa at inaabangan ang kung ano ang isasagot ko sakanya. "Gaga ka. Anong akala mo sakin cheap?" sagot ko naman sakanya sabay tapon ng Lays kaya ayun tumama sa mukha niya. Nasa shop kami ngayon ni Xyla tumatambay na tatlo. Wala si Coleen nasa Korea siya ngayon may inaasikaso. Sayang nga at hindi siya naka attend ng opening nitong shop ni Xyla kahapon. "Aba ano ba ang ieexpect kung ang isang babae at isang lalaki magsama sa isang bubong? At idagdag mo na umuulan pa nun. Kailangan ng pangpainit" Sabi niya sabay ngisi kaya naman tinapunan ko ulit siya ng hawak kong Lays. Napahalakhak pa ang bruha Sisingsisi tuloy ako na naikwento ko pa sakanila na nakatulog ako sa unit ni Sky nun

