~ ~ ~*Sky's Pov*~ ~ ~ "Mine?" Narinig ko ang mala anghel na boses ng misis ko "Hmm?" Sagot ko na nakapikit parin. Sobrang pagod na pagod kasi ako sa trabaho at hindi ko kayang dumilat pa "Mine gusto kong kumain ng may nutella" narinig kong sabi niya "Meron dun sa ref. May dala ako kanina pag uwi ko" ako habang nakapikit parin. Ilang linggo niya na kasi itong hinahanap kaya nakasanayan ko ng umuwi ng nutella kapag napapansin kong paubos na ang stock namin sa bahay "Eh mine kakaubos ko na." Nilipat ko ang aking ulo sa kabilang side tsaka dumilat para tingnan kung anong oras na 3:48am pa lang at nagugutom na naman ang asawa ko Umupo ako tsaka tumingin sakanya na may mga chocolates pa sa bibig. Pinunasan ko naman ito para sakanya "Mine alam mo ba kung anong oras na?? Pwede bang mamaya

