~ ~ ~*Sky's Pov*~ ~ ~ "Mine pakiabot nga ng remote" utos niya kasalukuyan kaming nasa living room ngayon na nakaupo sa sofa "Mine mukhang nasasanay ka na sa pag uutos mo sakin ha." kinuha ko ang remote tsaka ito inabot sakaya. Pansin ko kasi na simula nung nakauwi kami dito ay panay utos niya sakin "Ipatong mo yung paa mo dito" sabay tap ng legs ko. Kahit naguguluhan siya ay ipinatong niya naman "Mine pano na to? Mukhang malabo na atang mag kaayos ulit sila Coleen at Dwight" siya habang kumakain ng popcorn "Oo nga eh. Bakit ba kasi pumunta kayo sa bar?" dahan dahan kong sinimulan ang pag mamasahe ng paa niya "Gusto sana ni Coleen humingi ng sorry kay Dwight kaso ayun ang na abutan namin kanina" *pak* "Aray mine bakit mo pinalo ang legs ko" napaupo siya ng tuwid nung pinalo ko siya

