CHAPTER 4

1454 Words
~ ~ ~*Nikki's Pov*~ ~ ~ Sampung taon na ang nakalipas pero heto na saakin parin ang binigay sakin ni Sky noon na maliit na stuffed toy. At ngayon ay hawak hawak ko ito. Ewan ko ba kung bakit pero parang hindi ko kayang itapon ito sa basurahan. "Hoy!!!!" napahawak ako bigla sa aking dibdib nung may humawak sa balikat ko. Nung nakita ko kung sino ang may gawa nito ay agad kong tinago ang stuffed toy na hawak ko sa aking likuran bago ko siya kinurot sa tenga "Ar araaaayyy!!! Arraayy Nikki ang tenga ko. Masakit!!!" pagreklamo niya pero mas linakasan ko pa ang pag kurot ko sakanya "ARRRAAAYYY!!" "Bagay yan sayo. Alam mo bang kanina pa kita hinihintay dito?" may usapan kasi kami na mag kikita kami dito ng 10 am. Pero anong oras na siyang dumating 12noon? Nakangiting nag peace sign siya "Na traffic kasi ako eh. Wag ka ng magalit" tska siya umupo sa aking tabi "Pssh! Ano pa ba ang magagawa ko? Ano na pala yung sasabihin mo sakin?" mataray na tanong ko sakanya "Pwede bang mamaya na muna ang mga tanong mo? Kita mong kararating lang ng tao eh" 'Aba at may lakas loob ka pang sabihan ako ng ganyan ha. Sino ba ang nalate dito? Ako ba?" "Chill lang. Ang init naman ng ulo mo nakikisabay sa init ng araw.Alam ko na kung pano palalamigin yang ulo mo. Tara" tumayo siya tsaka niya hinawakan ang kamay ko patayo "Teka nga Warren yung bag ko naiwan" pano ba naman kasi hila lang siya ng hila sakin akala niya siguro isang laruan lang tong hinihila niya "Ba't hindi mo dinala kanina?" tanong pa nitong mokong to. Palabas na kasi kami ng coffee shop "Ikaw tong bigla biglang hinihila ako eh. Hello babae kaya ako na hindi ko kayang bawiin kaagad ang kamay ko na hawak hawak mo" at nung binitawan niya na ang kamay ko ay bigla akong napa cross arms "sorry po!" sabi niya bago bumalik sa lugar namin at siya na mismo ang kumuha ng bag ko "Tara" nung naka balik na siya "Warren pano pala yung sasakyan ko?" sa kotse niya kasi kami dumerecho at kasalukuyan ay pinagbuksan pa niya ako ng pinto "Ipark mo na lang muna jan. Hindi naman yan mawawala eh. At kakilala ko naman ang may ari ng coffee shop na to. Sasabihan ko na lang siya na iiwan natin muna ang kotse mo jan" napatango na lang ako sakanya bago pumasok 20 mins ang nakalipas bago kami makarating ng mall at pag pasok pa lang namin ni Warren sa mall ay derecho ka agad kami sa isang shop. Isa rin palang shoppaholic si Warren kaya magkasundong magkasundo kami sa ganitong bagay "Niks anong maganda itong black or itong white?" sabay pakita sakin ng dalawang tshirt "Mas gusto ko ng white" "Okay. Teka lang isusukat ko muna tong mga to" hinintay niya muna akong tumango bago siya umalis papuntang dressing room. Habang ako naman ay nilibot ang buong shop. Nag hahanap ng pwede kong bilhin. Nangangati na kasi ang kamay ko, matagal na yung huling shopping ko habang busy ako sa paglilibot ay biglang may tumawag sakin mula sa likuran ko kaya nilingon ko ito pero parang pinagsisihan ko kaagad ang paglingon ko dahil nalaman ko na si Sky pala ito na nakaakbay sa kasama niyang babae na pamilyar sa paningin ko "Ikaw nga Nikki. Sinong kasama mo?" nakangiti niya pang sabi sakin "Hello Sky. Si Warren ang kasama ko" at pilit akong ngumiti sakanya "Hmm. Ganun ba? Ay nga pala Pauline si Nikki. Nikki si Pauline" pag papakilala niya saming dalawa "Girlfriend mo?" gag* ka Nikki ba't mo pa yan tinanong? Eh ano naman sayo kung mag girlfriend sila hindi ba? ngumiti muna sila sa isa't isa bago sagutin ni Sky ang tanong ko "Yes. She's my girlfriend. Kakasagot niya lang sakin. Do you remember her? Siya yung isa sa naging exchange student noon" kaya pala pamilyar siya sakin. Masasabi kong mahal nila ang isa't isa dahil makikita mo ito sa kanilang mga mata at ewan ko ba kung bakit pero parang dinudurog ang puso ko ngayon sa sobrang sakit. Sky huli na ba ako? "oo naaalala ko siya. Sige mauna na ako ha. Baka hinihintay na ako dun ni Warren. Bye at congrats sa inyong dalawa. Sana mag tagal kayo." at agad na tumalikod sakanya. Hindi ko na kasi kayang mag tagal pa dun. Feeling ko kasi ilang segundo na lang ang natira ay tutulo na naman ang mga luha ko. pumunta ako sa kung saan ang dressing room nila dito at tamang tama naman na kakalabas lang ni Warren nilapitan ko siya at sinabi na "Warren wala na akong gana. Tara umuwi na tayo" tsaka lumakad palabas ng shop isang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Warren ngayon. Nagdrdrive lang siya habang ako ay nag iisip kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Sky Sampung taon na ang nakalipas pero parang ganun parin kasakit ang naramdaman ko nung niloko niya ako noon at nung nakita ko sila kanina. Dapat hindi na ako mag kaganito dahil unang una pa lang ako naman ang nang iwan sakanya noon. Ako ang may gusto neto. bumalik lang ako sa aking katinuan nung huminto ang kotse ni Warren sa gitna pala ng tulay siya huminto. Nagandahan ako sa tanawin kaya naman lumabas ako ng kotse. Saktong pag pikit ko ay may luhang pumatak mula sa aking mga mata Ito na ba ang oras na dapat na akong sumuko? "Kahit ayaw mong sabihin sakin, alam kong may problema ka ngayon" napadilat ako ng wala sa oras nun at tiningnan ko siya na ngayon ay palapit sakin "wag mong pigilan ang sarili mo. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka. Wag mong isarili ang problema mo tandaan mo may mga tao na nasa tabi mong handang makinig sayo" sa sinabi niyang yun ay bigla ko na lang siyang yinakap at dun ay napahagulgol na lang "Sige Nikki iiyak mo lang yan. Basta pag katapos neto kalimutan mo na ang lahat na problema mo" unti unti ko namang naramdaman ang pag yakap niya sakin Alam kong wala ako sa posisyon na mag react ng ganito pero isa akong tanga eh. Tanga dahil ako mismo ang dahilan kung bakit hindi ko na makuha ulit ang aking kaligayahan at kahit kailan ay hindi na ulit mapasaakin. nung nawala na ang sakit sa akin dibdib ay kumawala na ako sa yakap "Thanks Warren. Salamat dahil nanjan ka parati sa aking tabi" "Wala yun. Pero Nikki nag mamakaawa ako sayo tigilan mo na to.Ayaw na kitang nakikitang nasasaktan sa isang lalaki. Buksan mo ang mga mata mo Niks maraming may gusto sayo sana bigyan mo sila ng pagkakataon ipakita sayo kung gaano ka nila ka mahal" "Wala namang lalaki nag mamahal sakin eh" sabi ko sakanya. Totoo naman kasi eh sampung taon na ang nakalipas pero ni isa walang may nag aya saking mag date "Meron Niks" "huh?" ang nasabi ko na lang "Ako. Mahal kita Niks matagal na. Wala lang akong sapat na lakas para umamin sayo. Niks maniwala ka sakin mahal na mahal kita. At yun ang rason ko kung bakit nanirahan din ako sa London. Hindi ko kasi kayang lumayo sayo. Sana Niks kalimutan mo na ang kung anong meron kayo ni Sky noon at gumawa ng panibagong buhay kasama ko. Niks just give me a chance at ipapakita ko sayo kung gaano kita kamahal" |After a week| isang linggo na ang nakalipas nung nagtapat si Warren ng nararamdaman niya para sakin at ngayon ay ipapaalam ko na kung ano ang desisyon ko "Nikki napatawag ka?" "Warren nakapag desisyon na ako" "...." alam kong hinihintay niya ang sagot ko "I'll give you a chance to show your love towards me." "...." "Hello Warren nandito ka pa ba?" "Ah Nikki oo nandito pa ako. Pwede bang pakiulit ang sinabi mo? Baka kasi nananaginip lang ako" "Sira hindi ka nananaginip no totoo yung sinabi ko" "Yeeessss!!! Thank you thank you talaga Niks. Gagawin ko ang lahat at sisiguraduhin ko na hindi ka magsisi sa naging desisyon mo. Bye muna ha. May meeting pa kasi ako baka akalain nila napano na ako. Ang sabi ko lang kasi mag ccr lang ako. Mamaya na lang ulit. Bye Niks I love you. Hihihi" tsaka inend call niya na napailing na lang ako ng wala sa oras. Tumayo ako sa pagkahiga at kinuha ang stufftoy na nasa bag ko at tiningnan ito. Goodbye Sky. Kakalimutan na kita mula ngayon. At tinago ko na ang stufftoy sa isang maliit na box. Siguro ngayon na ang tamang panahon para kalimutan ang aking nakaraan at simulan na ng panibagong yugto ng aking buhay __________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD