~ ~ ~*Patricia's Pov*~ ~ ~ "Ayaw ko nga sabi Tricia. Bakit mo ba ako pinipilit?" "Sige na Tyler. Para naman to sa kaibigan ko eh" pag mamakaawa ko sakanya. Nandito kasi kami ngayon sa loob ng kotse niya na nakapark sa labas ng building kung saan nakatira si Dwight. Si Tyler sana ang gusto kong gumawa ng plano kaso ayaw naman niya "Ayaw ko nga! Tsaka may trabaho pa ako bukas no kaya hindi ako pwedeng mag lasing" "Sinabi ko bang mag lasing ka? Ang sinabi ko ay lasingin mo siya" "tssk" ang huling sinabi niya "ano payag ka na?" ako sabay hawak ng braso niya pero imbes na sagutin niya ako ay ngumuso lang siya. Yung parang may tinuturo siya sa labas kaya naman tiningnan ko ito at nakita ko si Dwight na papalabas ng building Saan naman siya pupunta ng ganitong oras? (8pm na kasi sakanila

