Sa dalawang linggo na nawawala si Gia ay naging malungkutin si Gael. Alam ni Diesel na hindi sanay ang kanyang anak na mawalay sa nanay nito. Pero dahil sa maling plano niya, at sa hindi nila pagkakaunawaan ay hanggang ngayon, nawawala si Gia. Ipinahanap nila si Gia, buhat ng malaman nila at mapatunayan na nawawala nga ito. Nag-aalala pa rin silang lahat sa kalagayan ni Gia. Kung may maayos na lugar ba itong natutuluyan. Kung nakakakain ba ito ng maayos. Nag-aalala siya ng sobra kay Gia, pero hindi niya pwedeng ipakita kay Gael ang kahinaan niya. Alam niyang higit sa lahat, siya ang kailangan ni Gael ngayon. Nakatayo ngayon si Diesel sa harapan ng isang bahay. Maliit lang ito at simple. May isang oras lang layo ng byahe, bago makarating sa bahay na ito. Kasama niya ngayon si Dimitri at G

