Nasa opisina lang si Diesel at hindi niya malaman kung ano ang dapat gagawin, kung ano ang dapat unahin. Madaming trabaho sa opisina. Pero si Gia pa rin ang nasa isip niya. Mahigit ng dalawang linggo buhat ng mawala si Gia. Hindi niya malaman kung saan hahanapin si Gia. Nag-aalala na rin siya sa kanilang anak na si Gael. Naging matamlayin ito. Ramdam na ramdam niya ang pangungulila nito sa nanay nito. Habang nakaupo at nakatingin lang sa kawalan, ay napukaw si Diesel ng tatlong katok sa labas ng pintuan. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Come in." Tipid na wika ni Diesel at pumasok ang head security ng mall. "May problema po ba Mang Gaston?" Takang wika ni Diesel na ikinailing nito. Kumunot naman ang noo ni Diesel dahil sa pag-iling ni Mang Gaston, ay ano ang dahilan at sin

