GAEA'S P.O.V: HANGGANG SA makabalik si Kuya Darius, sumampa na rin ito sa bangka at tinulungan nito ang bayaw niyang si Darwin sa pag-aasikaso ng bangka upang makaalis na kami. "Nakalimutan kong magdala ng jacket." Nilalamig na wika ni Kuya Darius habang tumatawid siya sa gilid ng bangka papunta sa likuran. Nilingon ako ni Deo at bumaba ang kanyang mukha papunta sa aking tainga. "Nilalamig ka ba?" "O-Oo, pero kaya pa naman." Walang kyemeng sagot ko kasi nilalamig talaga ako pero kaya pa namang tiisin. Wala ring suot na jacket si Deo nguni itim na long sleeve ang gamit niya kaya ganun na lamang ang gulat ko nang isa-isa na niyang tinatanggal ang butones niyon. "O-Oy, anong ginagawa mo?" tanong ko habang umaatras na ang bangka palayo sa dalampasigan. "Use this to ease the cold you are

