GAEA'S P.O.V: "OH, FINALLY you came here to visit us," magiliw na bati ni Mrs. Lagdameo ang nanay ni Lexus at ate Lexie nang puntahan namin siya ni Lexus sa kanilang mansyon. "G-Good evening po, M-Ma," nahihiyang bati ko nang makipagbeso sa akin ang Ginang. "Come on, Gaea, hindi ka pa rin ba sanay na tawagin akong Mommy? Tatlong taon na kayong kasal ni Lexus hindi ba?" "Sorry po." "Oh, don't be. Anyway, kumusta naman kayong dalawa?" aniya at nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Lexus. "We're fine, Ma," sagot ni Lexus habang ang isang braso niya ay nakayakap sa aking likuran. Wala ba silang balak na paupuin man lang ako? "Kailan niyo ba kami bibigyan ng apo? I mean, no pressure hija," Napangiwi ako sa sinabi ni Mrs. Lagdameo at nagkatinginan kami ni Lexus lalo pa't naging ma

