DEO KANE'S P.O.V: "AYOS LANG ba si Gaea?" salubong sa akin ni kuya Darius nang makabalik ako sa pampang kung saan naroon ang bangka at nagdidiskarga ng mga pinamili namin kasama si Marco at ilang binatilyo na tinawag siguro nila. "Ayos lang po. Natakot lang nang magising na wala ako sa bahay tapos nalaman pa niyang umalis tayo. Baka raw ho nasundan tayo ni Lexus tapos bigla siyang iuwi sa Maynila." "Ang lala naman kasi ng ibinibigay na trauma ni Lexus kay Gaea. Kung ako siguro ang nasa sitwasyon ni Gaea, matagal ko nang iniwan si Lexus," ani ni kuya Darius at ipinasa sa akin ang kahon ng mga de lata na agad kong kinuha at dinala sa pampang na hindi abot ng tubig at saka ako mabilis na bumalik. "Masyado pong mabait si Gaea at mukhang pinapahalagahan niya ang kasal nila ni Lexus. Iyon ng

