PLEASURE: 3

1452 Words
ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 3 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. “If you love someone, you will fight for him until the end!” Napatingin ako sa aking pinsan na si Kyle Echeverria nang sabihin niya iyon sa akin. Kyle’s parents are already dead. Namatay sila sa isang car accident at dahil nag-iisang kapatid ni Dad ang daddy ni Kyle ay wala nang ibang mapuntahan ang pinsan ko kaya kinupkop na namin siya at sa aming bahay rin siya nakatira kasama kami. Sometimes Kyle is not serious about what he was talking about, especially when I want to hear his thoughts about my rants about my feelings for Matthias Archer Coleman. “Paano ako lalaban kung simula pa lang ay alam ko nang wala na akong pag-asa?” malungkot kong sabi habang nakatingin sa aking pinsan. Tumabi siya sa aking pag-upo at inakbayan niya ako. Napatingin ako ng seryoso kay Kyle at muli siyang nagsalita. “Gawin mo ang ipinagbabawal na technique, Vivi,” sambit niya. Kumunot naman ang aking noo sa sinabi ng aking pinsan at bahagyang naguluhan. Anong ibig niyang sabihin sa gagawin ko ang ipinagbabawal na technique? Ano ang ipinagbabawal na technique ang tinutukoy niya? “What do you mean, Kyle?” I asked him. Ngumisi si Kyle at mabilis niyang hinalikan ang aking pisngi at nagsalita. “My dear cousin, masyado kang mabagal. Diba may kapatid na lalaki ang crush mo? Hmm, ano nga ulit ang pangalan ng lalaking ‘yun? Alric? Aldrich? Almond?” Bahagya akong napairap at nagsalita. “Alaric, Kyle. Alaric ang pangalan ng nakababatang kapatid ni Matthias,” malamig kong sabi. Bakit ba namin pinag-uusapan ang tungkol sa lalaking ‘yun? Pati ba naman dito sa pag-uusap namin ng aking pinsan ay eeksina ang nerd na iyon kahit wala siya rito? Pabida talaga. “Ah, yes! Alaric nga pala ang pangalan ng lalaking ‘yun. Ang balita ko ay may gusto sayo ang Coleman na ‘yun, Vivi,” nakangiting sabi ni Kyle. Tinignan ko naman siya ng masama at napataas din ako sa aking kilay. “Bakit ba kailangan pa nating pag-usapan ang lalaking ‘yan, Kyle? I don’t like him, okay?! I only like Matthias Archer Coleman, no one else anymore,” inis kong sabi sa aking pinsan. Mahina siyang tumawa at bahagya niyang kinurot ang aking pisngi bago sagutin ang aking tanong. “Genevieve, wake up! Kapatid ng lalaking ‘yun ang lalaking mahal mo na si Matthias. Kung papansinin mo si Alaric, mapapalapit ka kay Matthias. Pwede mong gamitin si Alaric upang mapalapit ka sa lalaking mahal mo!” nakangiting sabi ni Kyle na para bang proud na proud pa siya sa kanyang sinabi. Nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Tinulak ko palayo si Kyle sa akin at tingnan ko siya ng masama. “Nahihibang ka na ba?! Bakit naman ako gagamit ng tao para lang mapalapit ako sa lalaking mahal ko, Kyle Echeverria?! Hindi ko gawain ‘yun!” inis kong sabi sa kanya. Kahit na nabu-bwisit ako sa presensya ni Alaric kapag lumalapit siya sa akin ay hindi ko siya gagamitin upang mapalapit lang ako kay Matthias. Alam ko pa rin ang tama sa mali. “Oh come on, Vivi! ‘Wag ka nang mag magaling diyan. Alam mong magiging effective itong sinabi ko sayo at siguradong-siguro at sure ball na mapapalapit ka talaga kay Matthias,” muling sabi ni Kyle at kinindatan ako. Nanahimik ako at umiwas ng tingin sa kanya at napaisip. Oo, gusto kong mapalapit kay Matthias… pero ayoko namang gumamit ng isang tao para mangyari ‘yun. Ayokong gamitin si Alaric—ayokong masaktan ko siya. “Shut up, Kyle. Puro ka na lang kalokohan! Wala ka nang tamang sinabi,” inis kong sabi at tuluyan na akong tumayo at naglalakad palayo sa kanya. “Vivi, alam kong napapaisip ka na diyan! ‘Wag ka ng magdalawang isip, gawin mo na ang sinabi ko!” sigaw ni Kyle habang papalayo ako sa kanya. Inis ako na napaakyat sa hagdan upang makapunta sa aking kwarto at nagkulong sa loob. Bakit ko pa ba kinausap ang lalaking ‘yun eh wala namang kwentang kausap si Kyle at puro kalokohan lang ang kanyang mga sinasabi sa akin? Alam ko na may konting katotohanan ang kanyang sinabi—totoo ‘yun. Pero hindi ko maatim na gawin ang bagay na iyon. Ayokong gumamit ng ibang tao. Hindi ko gagawin ‘yun! Final answer ko na. Bahala na si Batman. Pupuntahan ko na lang ulit si Matthias bukas at magtatapat na ako sa tunay kong nararamdaman para sa kanya. Nang sumunod na araw ay nag ayos talaga ako ng aking sarili at gumawa ako ng cupcakes para ibigay ko kay Matthias bilang regalo kahit wala namang okasyon. Ngayon ang araw na aamin ako sa aking tunay na nararamdaman sa kanya. Wala akong pakialam kung ako pa ang manligaw sa kanya… basta bigyan lang niya ako ng chance! Oo, ang desperada ko na masyado para mapansin ni Matthias pero wala na akong choice. Ayoko naman na gawin ang sinabi ng aking pinsan dahil bawal ‘yun! “Ano na naman ang kailangan mo sa akin, Miss Echeverria?” tanong sa akin ni Matthias na may konting inis. Muli akong pumunta sa kanilang classroom at pinatawag ko siya sa kanyang kaklase upang palabasin. Bahagya kaming lumayo sa kanilang classroom at nakita kami sa isang lugar na tahimik at kami lang dalawa. Maaamin ko na talaga sa kanya ang tunay kong nararamdaman. “M-Matthias, may dala pa akong cupcakes para sayo—” “I don’t like cupcakes.” Napa kurap-kurap ako sa aking mga mata at natigilan sa kanyang sinabi. Hinay-hinay ko na ibinaba ang aking hawak na box ng cupcake na pinaghirapan kong gawin kagabi. Huminga ako ng malalim at muling nag angat ng tingin sa kanya at ngumiti. “G-Ganun ba? Uhm, sorry talaga, Matthias,” mahina kong sabi. Seryoso naman siyang tumango. “It’s okay, Miss Echeverria. May iba ka pa bang sasabihin sa akin? I’m kinda busy with some paperworks.” Napalunok ako sa aking laway at nakaramdam na ako ng matinding kaba. “M-May aaminin sana ako sayo, Matthias.” Kumunot naman ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. “What is it?” Huminga ako ng malalim at kumuha muna ng lakas ng loob na sabihin na sa kanya ang totoo. “M-Matthias… gusto kita! Mahal kita… matagal na! Pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon?” Sa wakas ay nasabi ko na rin ang totoo sa kanya. Tinignan ko ang kanyang ekspresyon at nadismaya ako ng makita kong ganun pa rin ang kanyang ekspresyon katulad kanina… malamig. “I’m sorry, Miss Echeverria. Magiging honest na ako sa iyo ngayon para isahan na ang sakit pero… I don’t like you. And I will never love someone like you. Masyado ka pang bata, Miss. Maghanap ka ng lalaking kaedaran mo na, ‘wag ako. Hindi ako pumapatol sa mga bata,” malamig na sabi ni Matthias at tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo. Atomatikong naglandasan ang mga luha sa aking mga mata ng makaalis si Matthias at naiwan akong mag isa ngayon. Umiyak ako nang umiyak sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Nabitawan ko ang aking hawak na cupcake at tumakbo ako paalis. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng aking mga paa ngayon sa aking pagtakbo. Natigil lang ako sa aking pagtakbo nang may makabangga ako at muntik pa akong mapaupo, buti na lang nahawakan ako sa balikat ng nakabangga ko ngayon. “V-Vivi, anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?” Bahagya akong nagulat nang marinig ko ang boses na iyon… ang pamilyar na boses na iyon. Nag angat ako ng aking tingin at hindi ako nagkakamali… siya nga… si Alaric ang nasa aking harapan ngayon! Muli akong napaiyak habang nakatingin sa kanya ngayon. Nakita ko ang pagkataranta niya ng makita niya akong umiiyak. Mabilis niyang kinuha ang kanyang panyo at pinunasan niya ang luhang nakakalat ngayon sa aking mukha. “Vivi, bakit ka umiiyak?” alala niyang tanong sa akin. Hindi ako nagsasalita. Nakatingin pa rin ako sa kanya ngayon. Humakbang ako palapit kay Alaric at niyakap ko siya… niyakap ko siya ng napakahigpit at sumiksik ako sa kanyang dibdib upang itago ko ang aking mukha habang patuloy pa rin sa aking pag-iyak. Naramdaman ko na natigilan siya sa aking ginawa. “V-Vivi….” mahinang banggit niya sa aking pangalan. “Please, Ric… hayaan mo muna akong yakapin ka,” mahina kong sabi at napapikit na ako sa aking mga mata. Naramdaman ko ang paghagod ni Alaric sa aking likod kaya mas lalo akong napaiyak. “Nandito lang ako para sayo, Genevieve.” TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD