ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 22 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. NAGISING ako sa mga halik ni Alaric sa aking leeg at pisngi. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata bago ko minulat ang mga ito at humarap kay Alaric. Agad na bumungad sa akin ang kanyang makinis na mukha at ang kanyang mga matang nakatingin sa akin ngayon. “Good morning,” paos niyang bati sa akin habang nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at inabot ang kanyang mukha upang mahalikan ang kanyang labi. “Good morning, handsome,” bati ko sa kanya pabalik. Mas lalong lumapit sa akin si Alaric at hinawakan niya ang aking baba at tinitigan ako sa aking mga mata. “You called me handsome,” hindi makapaniwala niyang sabi. Bahagya naman akong nagulat sa kanyang sinabi. Napagtanto ko rin kung ano ang nasabi ko sa kanya kanina.

