ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 55 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. PAGKAGISING ko ay nakita ko na lang ang aking sarili na nakatali sa isang silya at nandito ako sa isang madilim na lugar at hindi ko nakikita ang labas kung umaga na ba o gabi. Sinubukan ko na makawala sa pagkakatali sa aking sarili pero mas lalo lang itong humihigpit sa aking katawan. Hindi ko mapigilan na maiyak sa magkahalong emosyon. Sigurado akong hinahanap na ako ngayon ni Alaric dahil hindi pa ako nakakauwi. Ang last text ko pa naman sa kanya ay papauwi na ako, tapos ngayon ay hindi pa rin ako nakauwi… galit na ‘yun sa akin. “Buti gising ka na.” Natigil ako sa aking pag-iisip ng may marinig akong magsalita. May nakita akong anino ng isang tao na papalapit sa aking pwesto ngayon. Naningkit ang aking mga mata at tingnan ng

