ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 14 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. “ARE you now willing to accept your responsibilities in the company, Vivi?” Napatingin ako sa aking pinsan at napaisip. Isang linggo na ang nakalipas simula ng ilibing si Mommy. Ngayon ay nandito ako sa bahay namin at tulala at nakita ko na lang na papalapit sa akin si Kyle at tanungin ako tungkol sa kompanya. Alam ko na kahit anong iwas ko ay hindi ko maiiwasan ang responsibilidad ko sa Echeverria Company. Kyle’s the CEO of the Echeverria Company and my dad is the chairman. Dahil sa pagkamatay ng ibang members ng board of directors ay kailangan ulit mag elect ng mga bagong members. Kapag in-accept ko ang offer ng pamilya ko na magtrabaho sa kompany ay magiging COO ako ng aming kompanya. They need me—iyan ang sabi ni Kyle. Kasa

