ONE NIGHT PLEASURE EPISODE 52 GENEVIEVE’S POINT OF VIEW. “VIVI, kanina ka pa dyan sa puntod ng daddy mo. Uulan na, kailangan na nating umalis.” Napakagat ako sa aking labi at muli kong hinaplos ang lapida ni Dad. Dalawang araw na ang nakalipas simula nang mailibing na si Daddy. Magkatabi ngayon si Dad at Mom dito sa sementeryo at habang pinagmamasdan ko ang mga puntod ng aking mga magulang ay hindi ko mapigilan na masaktan ng todo. Wala na akong mga magulang… wala na si Mommy at Daddy. “Vivi…” naramdaman ko ang kamay ni Marianne sa aking balikat. Nag angat ako ng tingin sa kanya at napatayo na rin ako at huminga ako ng malalim. “Hindi ko lang talaga matanggap na wala na akong mga magulang, Marianne,” mahina kong sabi at bahagyang napayuko. Hinawakan niya ang aking kamay at bahagya

