Chapter two

2728 Words
Chapter 2 "Kenzoooooo!" "Kenzo my love!" Nakisilip si Gerlie sa mga babaeng nakatanaw sa bintana ng classroom nila. Tanaw tanaw ng mga ito ang pinakagwapong lalake sa campus nila. Walang iba kundi si Kenzo Hoffman Simula palang ng first day of school niya sa bagong campus na iyon ay naging ultimate crush na rin niya ito. Halos dalawang taon na rin siyang may crush dito dahil simula ng magkamali siya sa parking area ay hindi na ito nawala sa puso niya. Naging inspirasyon niya pa nga ito upang maging masipag sa pag aaral. She's 2nd year college now. Mabilis dumaan ang dalawang taon ngunit masaya naman siya sa campus na iyon. Panay mayayaman o rich kid ang studyante doon kaya nahirapan siyang makihalubilo sa mga ito Isa lang tuloy ang naging kaibigan niya sa campus nila. It's Karen. Isang nerd rin katulad niya. Binansagan pa nga silang "Twin bestie nerds" ng mga studyante doon ngunit ayos lang iyon sakanilang dalawa ni Karen Totoo naman kasing mga nerds sila. Except her. Hindi naman kasi siya matalino sadyang makapal lang talaga ang grado ng salamin sa mata niya. Unlike Karen, Ito na ata ang pinakamatalinong tao na nakilala niya. Sa sobrang talino nito naging weird na ito sa paningin ng karamihan Naging swak sila ni Karen sa isat-isa dahil pareho sila ng trip sa buhay. "Gerlie. Halika na nandiyan na si Ma'am" Hinila na siya ni Karen dahil abala parin siya sa pag tanaw kay Kenzo Hoffman Kasama nito ang Tatlong barkada nito na mga anak ng politiko at mayayamang angkan. Ngunit si Kenzo lang talaga ang angat na angat sa mga ito pagdating sa kagwapuhan sinalo na ata nito lahat. Overload nga ang kagwapuhan nito at halos pag agawan ito ng mga babae sa campus nila. "Saglit lang Karen isang sulyap nalang" Nag-balikan na sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase niyang babae ng dumating ang guro nila ngunit nag paiwan siya sa bintana habang tanaw tanaw parin niya si Kenzo. Para siyang timang habang kumakaway kay Kenzo kahit hindi naman ito nakatingin sakanya. Nakita siya ng kabarkada nito kaya itinuro siya kay Kenzo. Nakita niyang pinagtatawanan lang siya ng mga ito. Samantalang kumunot lang ang nuo ni Kenzo at naglakad na ito paalis doon. "Oh my God! For two years napansin din niya ako!" Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil parang sumipa ang kanyang puso Two years na kasi siyang may crush kay Kenzo Hoffman at ngayon lang ito muling napatingin sakanya. Nuknukan kasi ito ng kasungitan at kasupladuhan kaya suntok sa buwan kung mapapansin siya nito "Ms. Sally Ventura back to your seat now!" Sigaw ng teacher niya kaya napunta sakanya ang atensyon ng mga kaklase niya. Nagtawanan ang iba sa mga ito maliban kay Karen. "M-Ma'am! Yes ma'am!" Nagmadali na siyang bumalik sa kanyang inuupuan. Pinagalitan siya ng kanyang guro bago ito nag umpisang mag turo. Napapangiti siya habang nagtuturo ang guro nila kaya sinipa ni Karen ang kanyang paa "Gerlie umayos ka nga baka mapagalitan ka ni ma'am. Ano ba yang nginingiti mo diyan?" Bulong ni Karen sakanya. Seat mate niya ito mula pa noon. "Tumingin kasi sakin si Kenzo kanina hindi ko lang mapigilan mapangiti" Pina-ikot lang ni karen ang eyeballs nito dahil alam na alam nitong patay na patay siya kay Kenzo Hoffman Pang night shift ang kanyang klase kaya marahil pauwi na si Kenzo Hoffman. Pang gabi ang klase niya dahil nag tatrabaho siya sa umaga. Sale's lady siya ng isang jewerly shop. Part time job niya iyon tuwing umaga. Dalawang taon na siyang nagtatrabaho doon. 7am to 3pm ang kanyang schedule sa jewerly shop. Malaki ang kinikita niya doon lalo na palaging may dagdag bonus tuwing nakakabenta siya ng mamahaling alahas. Dalawa lang silang empleyado ng jewerly shop na iyon ngunit pala-absent pa ang kasama niya. Maria ang pangalan nito. Marami kasi itong inaasikaso sa buhay nito. Mabuti nalang at mabait ito kaya hindi siya nahirapan makisama rito. Willing rin naman siyang magtrabaho kahit mag isa lang sa jewerly shop dahil madali lang ang trabaho nila. Nang matapos ang kanilang klase dumeretso agad sila ni Karen sa canteen. Kaunti nalang ang studyante sa mga oras na iyon. Konti lang kasi silang night shift. 4pm to 10pm ang oras ng pasok niya. Isang oras lang ang vacant period niya 7-8pm Habang kumakain sila ni Karen hindi niya parin mapigilan mapangiti sa tuwing naaalala si Kenzo Hoffman "Ang gwapo niya talaga.." "Gwapo nga ang sungit naman." Kontra ni Karen sa kanyang ilusyon Napanguso siya sa sinabi nito "Hindi ah. Sa tingin ko mabait naman siya eh" "Tingin mo lang yun. Pero yang mga ganyang lalake feeling hari yang mga yan purkit mayayaman at gwapo" "Ang bitter mo talaga Karen.." Napapa-iling nalang siya. Nasa dulo silang lamesa dahil iyon lang ang lamesang allowed nilang upuan. Ganoon ka-grabe ang discrimanation sa campus nila. Sa pinakadulong table lang pwedeng umupo ang mga nerds na kagaya nila. Wala naman iyon problema sakanila dahil mas gusto nga nila iyon. Tahimik pa sa likuran kaysa makipag siksikan sila sa mga studyanteng walang ginawa kundi magyabangan ng mga bagong gamit ng mga ito Mayaman rin naman si Karen at mayaman rin naman sana siya kung hindi lang namatay ang parents niya. Gustong ipag-bili ng lola bebe niya ang kanilang antik na bahay sa halagang 30 Million pesos ngunit ayaw niya. Mas gustuhin na niyang maging mahirap kaysa ipagbili ang bahay nilang iyon. Iyon nalang kasi ang ala-alang naiwan ng mga magulang niya Kinabukasan maaga siyang pumasok sa Jewerly Shop. As usual late nanaman si ate Maria. Palagi nalang itong late ngunit ayos lang iyon sakanya. Ito ang manager niya kaya ginagalang at nirerespeto niya ito. Higit sa lahat parang kapatid na rin ang turingan nilang dalawa Kakalapag niya palang ng kanyang body bag sa drawer kung saan nila nilalagay ang kanilang personal things ng makatangap siya ng tawag mula sa kanyang bossing. Ang may ari ng Jewerly shop na iyon. "Hello! Good morning po Ser France?" bati niya sa kabilang linya "Hello Gerlie good morning! Ahm hindi makakapasok si Maria ngayon may emergency raw. Okay ka lang ba diyan?" Napangiti siya dahil concern ito sakanya "Yes Ser! Ayos lang po wala naman po masyadong gagawin" "Alright Gerlie. Have a nice day!" Medyo nalungkot siya dahil maghapon nanaman siyang tutunganga mag isa sa jewerly shop na iyon. Sa tuwing absent kasi si Maria namimis niya ito Napalabi siya dahil nangako ito na dadalhan siya nito ng longanisa ngayong araw na ito dahil nag under time ito kahapon. Babawi raw ito ngayon at babaonan raw siya ng longanisa ngunit absent naman ito ngayon. Naputol ang pag mumuni muni niya ng may customer ng pumasok sa jewerly shop. Nag umpisa na siyang mag trabaho. Bandang tanghalian ready na sana siyang lumabas ng jewerly shop at kumain sa karinderya ng makasalubong niya sa pinto si Maria. Mukhang hingal na hingal ito. "Ma'am akala ko hindi ka papasok? Tumawag si Sir France sakin kanina" "Nag lunch kana ba?" Tanong nito sakanya bago ito pumwesto sa pwesto nito. Inilapag na rin nito ang bag sa lagayan nito. "Hindi pa ma'am hinihintay ko yung longanisa-- " Nagkunyari itong nakalimutan ang longanisa base sa reaksyon nito. Tinapik pa nito ang sariling nuo. Kilalang kilala na niya si Maria tuwing nagkukunwari ito. "N-Naku po nakalimutan ko!" Napalabi naman si Gerlie dahil paborito niya ang longanisang niluluto ni Maria. Galing pa kasi iyon sa probinsya nito kaya malinamnam iyon. Minsan lang niya matikman ang longanisa nito. "Ganoon ba ma'am? Bukas nalang kung ganoon. Diyan nalang tayo sa karinderya kumain mamaya" Labag sa loob niyang suwestyon. Gustong gusto talaga niya ng longanisa dahil kahapon pa siya nag crave sa longanisa nito. Tumingin sa orasan ng cellphone nito si Maria at tila lumilipad ang isip nito. Lumapit siya upang kalabitin ito. Naputol ang pag mumuni muni ni Maria ng tumunog ang door chime sensor ng jewerly shop. Pareho silang napatingin sa gwapong lalakeng pumasok sa loob ng jewerly shop. Ito ang pinakahuling lalakeng aasahan niyang papasok sa jewerly shop nila sa mga oras na iyon! Napa-nganga siya sa taglay nitong kagwapuhan. Mukhang bagong ligo pa ito. Anong ginagawa nito sa jewerly shop nilang iyon?! "K-Kenzo?" Nauutal at mahinang sambit ni Gerlie Nanlalaki pareho ang mata nilang dalawa ni Maria. Mukhang kilala rin nito si Kenzo! "Ate Maria" Napakagat siya sa kanyang labi dahil ito ang unang beses na marinig niya ang boses nito! My goooodness! Boses palang ang sarap na! "Kenzo! Aba halos hindi kita nakilala! Kamusta kana?" Todo ngiting bati ni Maria kay Kenzo Napapangiti rin tuloy siya. Kapag sinuswerte ka nga naman. Jackpot! Kilala ni ate Maria si Kenzo! "I'm good. It's been two years since i saw you." Halos malaglag ang panty ni Gerlie ng makita niya sa malapitan ang gwapong mukha nito . Walang pores! Makinis pa sa pwet ng baby ang pisngi nito! Higit sa lahat maganda at mapuputi ang ngipin nito. Twelve times siguro magtooth brush to si Kenzo my loves! Napapakagat labi nalang siya habang nakatingin siya rito. Ito na ata ang pinakamasayang araw sa buhay niya. Pasimple niyang nilabas ang kanyang cellphone at pinicturan niya ito. "Oo nga! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Maria kay Kenzo. "My brother--err my mother want's to invite you for her birthday on saturday. Inutusan lang akong ihatid ito" May inabot itong invitation birthday card kay Maria. Napapatingin ito ng kaunti sakanya marahil napapansin nito ang ginagawa niyang pasimpleng pag picture rito. Itinago nalang niya ang kanyang cellphone dahil baka magalit pa ito. "Nandito na pala si Ma'am abby?" Tinangap ni Maria ang invitation letter nito. Kung siya lang ang masusunod hahawakan niya ang kamay ni Kenzo at siya na mismo ang mag aabot kay Maria ngunit mabilis lang inabot ni Kenzo kay Maria ang invitation card kaya hindi na siya nakagawa ng kanyang matinding "the moves." "Sa friday pa ang dating niya. She just want to invite you ahead of time" Ang sarap sa pandinig ng boses nito. Hindi tuloy siya mapakali sa tabi ni Maria. Hinihila niya ang laylayan ng uniform nito ngunit manhid ata ito. Binulungan niya ito kahit halata ang kanyang gagawin. Napapatingin kasi si Kenzo sa kamay niyang humihila sa uniform ni Maria. "P-Pakilala mo ako ma'am. School mate ko siya" Bulong niya kay Maria. Medyo malakas pa nga dahil wala ata sa earth ang kaluluwa ni Maria. Napapatingin naman si Kenzo sakanilang pag bubulungan. Nahalata na rin siya sa wakas ni Maria at napangiti ito ng husto ng magets nitong crush niya si Kenzo. "Ah eh. Kenzo nga pala ito si Gerlie--" "Sally" Putol niya sa sinasabi ni Maria. Mas gusto niyang Sally ang ipakilala nito kay Kenzo dahil iyon naman talaga ang pangalan niya. Binansagan lang siyang Gerlie ng lola niya noon kaya iyon na ang naging nick name niya. Napangiwi naman si Maria "Ay Sally pala. Siya nga pala si Sally. Ka-school mate mo raw siya" Pasimple niyang kinurot si Maria. Kinikilig kasi siya. Ngumiti naman ng tipid si Kenzo at tumingin ito ng deretso sakanya. Parang hihimatayin tuloy siya dahil ito ang unang pagkakataon na nakatingin ito ng deretso sakanyang mga mata. "Hi. Nice to meet you Sally" Simple ngunit nakakakilig nitong pag bati sakanya Lord pwede mo nakong kunin kasama siya! Gusto niyang tumili sa mga oras na iyon pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang mapagkamalan siya nitong baliw. "H-Hi K-Kenzo" Halos nalunok ata niya ang kanyang dila dahil hindi niya ito makausap ng maayos Na-star struck kasi siya rito! "Anong course mo? Sa dami ng student sa school hindi pa kita nakita" Kunot nuong tanong nito sakanya "B-Business management" Nahihiyang sagot niya. "Ahh.Thats why. Malayo ang building ng course ko." Napalunok siya at hindi siya makapaniwalang kausap niya ngayon ang kanyang ultimate crush! "O-Oo at pang night shift ako kasi nag wowork ako sa umaga" Ngumiti lang ng tipid si Kenzo bago ito tumingin sa relong pambisig nito "Ate Maria i gotta go. Basta pumunta ka sa saturday--" "Pwede ko bang isama si Sally?" Tanong ni Maria. Gusto niyang halik halikan si Maria sa mga oras na iyon dahil sa sinabi nito. Tumingin uli ito kay Sally "Yeah sure. Huwag lang yung boyfriend mo. Kabilin-bilinan kasi ni kuya--err ni mom" "O-Okay. Ingat ka Kenzo. Masaya ako at nagkita pa ulit tayo" "Bye girls" Paalam nito sakanilang dalawa ni Gerlie Agad naman napaluhod si Gerlie sa sahig ng makalabas na si Kenzo "Huy Gerlie" Nag alala tuloy si Maria sakanya ngunit nawala ang pag aalala nito ng makitang naka-kagat labi pa siya at may kakaibang ngiti sa mga labi "J-Jusko ma'am hindi ko akalain makakausap ko siya!" "Para kang sira diyan" Natatawang sagot ni Maria sakanya at hinayaan lang siyang lumuhod doon "Ma'am grabe ang gwapo gwapo niya! Lalo na sa malapitan! Hindi ako makapaniwala ma'am kilala na niya ako!" "Kaya sumama ka sakin sa sabado. Para makausap mo uli siya" "Paano kayo nagkakilala ma'am? Saan kayo nagkakilala? Family friend ka ba nila?" "Dati akong katulong ng mga Hoffman" "Talaga ma'am? Edi lahat ng mga magkakapatid na hoffman nakita mo na??" Ngumiti siya "Oo naman lahat sila. Ex-boyfriend ko pa nga yung isa eh" Proud niyang imporma kay Gerlie Nanlaki naman ang mata ni Gerlie "Talaga maam?! Sino doon?" "Si Luke Anderson--" "Ako" Halos sabay nag salita si Maria at ang gwapong lalaking kakapasok palang sa Jewerly shop! Kahawig ito ni Kenzo Hoffman! Nasisigurado niyang magkapatid ang mga ito dahil parang kambal na nga ang mga ito sa pagkakahawig. Bumilis rin tuloy ang t***k ng puso niya dahil akala niya si Kenzo Hoffman iyon. Mas matured lang ito ng kaunti kay Kenzo. May ngiti sa labi nito na para bang tuwang tuwang ito sa mga narinig sa kanilang pag uusap. "A-Anong ginagawa mo rito?" Nauutal na tanong ni Maria kay Luke "A-Ang gwapo" Sambit naman niya Lumapit ito sa kanila "Isosoli ko lang to" Ipinatong ni Luke sa harapan nila ang isang tupper ware "O-Okay" Kinuha agad ni Maria ang tupper ware "Thanks for the longanisa." "O-Okay" Naningkit naman kanyang mata. Ngayon natuklasan niyang pinakain na sa iba ni Maria ang longanisang para sakanya. "Ah kaya pala wala kang baon na longanisa maam kasi napakain mo na kanina--" Pasimple siyang kinurot ni Maria. Ngumiti naman si Luke "Hi I'm Luke.." Pakilala ni Luke sa sarili nito sakanya. "Ako naman po si Sally pero Gerlie ang nick name ko" Pakilala niya rin sa future brother in law niya. "Lunch niyo na ba?" Tanong ni Luke "Hindi pa!" "Oo Ser malapit na po kaming mag lunch. Kaso baka diyan lang kami sa karinderya dahil wala ng baon si maam pinakain pala ho sainyo" Tinakpan tuloy ni Maria ang kanyang bibig "Mamaya pa kami mag lunch! At hindi tayo pwedeng mag lunch dahil magagalit ang boyfriend ko!" Nawala naman ang ngiti ni Luke sa kanyang sinabi. "Fine. Anyway thanks for the breakfast" walang kangiti ngiti itong lumabas ng jewerly shop. "Hala ka ma'am nagtampo ata?" Tukso niya kay Maria dahil parang may naamoy siyang something sa mga ito Napabuntong hininga si Maria at parang nalungkot itong napaupo nalang. "K-Kaya nga." "Ma'am parang gusto makipag balikan sayo ni Luke. Bakit ayaw mo" Usisa niya "Sinagot ko na si Ferdinand nung isang gabi" Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi nito. Gusto niya itong kutusan ng sampung beses dahil sinagot nito ang manliligaw nitong peke! Para sakanya peke ang pagkatao ng manliligaw nito. "Ano?! Anu ba yan ma'am bakit sinagot mo yun? Ayoko dun eh!" Napabuntong hininga si Maria at tila malalim ang iniisip "H-Hindi ko naman kasi alam na babalik si Luke. Bigla nalang siyang babalik after two years?" "Ma'am dapat hindi mo sinagot si Ferdinand. Hindi mo naman mahal yun eh. Tska diba sabi ko sayo parang may masamang ugali yun!" "Mabait si Ferds. Maasikaso--" "Maasikaso dahil may kailangan yun sayo. Malakas akong makahalata kung masama ang ugali ng isang tao. Hindi naman sa pagiging judge mental maam pero powers ko ata yun eh" Napabuntong hininga itong muli. "Hindi naman sa pagiging chismosa ma'am pero siya ba ang tatay ni Lucas?" Usisa niyang muli ng maalala ang anak ni Maria. Tumango ito. "Sabi na eh! Kahawig niya si Lucas eh. Napakagwapong bata" "Anong gagawin ko Gerlie? Ayokong saktan si Ferds" "Makipag hiwalay ka na habang maaga pa maam" Suggestion niya. Magaling talaga siyang maki-alam ano? "N-Natatakot ako baka iwanan lang ako ulit ni Luke" "Ma'am malay mo hindi na? Malay mo this time pang habang buhay na? Malay mo ito na yung right time para sa pagmamahalan niyong dalawa?" Tumunog ang cellphone nito. Ngunit hinahayaan lang ni Maria mag ring ng mag ring ang phone nito kaya naki-alam na siya "Sagutin mo na maam! Feeling ko siya ang totoong nagmamahal sayo!" "Paano mo nalaman siya to?" "Ayan ma'am oh. Yekul binaligtad lang na Lukey" "Sagutin mo na ma'am" Dahil likas na paki-alamera siya. Siya na mismo ang sumagot sa cellphone nito. Wala itong nagawa kundi kausapin si Luke. Wala pang isang minuto ng tumayo si Maria at nagmamadali na itong lumabas ng Jewerly shop. "Ma'am saan ka pupunta?" Tanong ni Gerlie kay Maria bago ito lumabas ng jewerly shop. "Sa malayo! Ikaw muna bahala dito!" Napangiti ng husto si Gerlie. "Go for the goal ma'am!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD