Unyielding Love PAGGISING ni Jayce ay namataan niya ang natakpan na pagkain doon sa dining table. He went to check it out. He felt a pinch in his heart when he saw the food that Collen prepared before leaving to work even if they had a quarrel last night. Hindi rin natulog si Collen sa kuwarto nila kagabi at mukhang sa couch na lang ito natulog. He felt sorry because he may have been mean to her. Hindi na rin kasi niya na-control ang damdamin niya kagabi lalo na’t hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang pagkadismaya niya sa sarili. Kakain na sana siya ng agahan nang biglang tumunog ang cellphone niya. It is an incoming call from Jisel. “Hello?” “Pasensya ka na ijo, pero kagigising kasi ni Kristel, hinahanap ka raw niya, kung puwede lang naman sana, baka puwede kang dumaan?” Na

