The Envious One “PAANO!?” napatakip ng tenga sina Jayce nang biglang napasigaw si Hina. Napailing na lang sa gilid si Adler. “Paano ka naka-shoot no’ng isang araw ‘tapos ngayon hindi mo na naman kaya?” sinubukan namang ikalma ni Hina ang kanyang boses. “Hindi ko alam, hehe,” napakamot naman sa ulo si Jayce. Isang araw ang makalipas matapos ng laban ng Wolves at Titans, Jayce was advised to rest for one day before proceeding to a mild to moderate practice. Si Owen naman ay bumubuti na rin ang kalagayan ngunit bawal pa rin ang excessive work out. They still have three days before the final game with Lions. Sa mga susunod na araw gaganapin ang mga laro para sa 2nd runner up pababa hanggang 4th runner up. “Anyway, that’s it for today,” singit naman ni Adler. “Bakit? Kailangan ko p

