Revelation One Couldn’t Hold “DAHIL nakasuot ka ng varsity jacket malamang, athlete ka?” itutungga n asana ni Jayce ang natitirang alak sa kanyang baso nang biglang naramdaman niya ang presensya sa kanyang tabi at narinig ang nakakapanlokong boses ng isang babae. “Tama ka roon pero ‘di lahat ng nakasuot ng varsity jacket ay athlete. Iyong ay pumoporma lang.” “Cool.” Napatango-tango naman ito. Sumulyap si Jayce sa babaeng nakasuot ng salamin at naka-dress ng pink. Base on his judgement he’s still a student and the way she looks around it seems like she’s new here. “Hindi mo alam mag-order ‘no?” napahinto sa pagtingin sa paligid ang dalaga at napangiti lang. “Hindi ko dapat ipapahalata na wala ako’ng alam pero nabuking mo ako roon.” “Can you give him cocktail drinks, the strawberry

