After The Win "AH!" napapikit si Riko nang maramdaman niya ang mga maliliit na tipak ng batong tumama sa kanyang palad nang itinulak siya ng isang bata. Matalim ang tingin nito sa kanya pati na rin ang tatlong batang nasa likod niya. "Bakit ka ba nandito lagi? Ayaw ka naming kalaro!" "Marunong din ako ng basketball," wika naman ni Riko. "Wala kang karapatan makipaglaro sa amin! Hindi ka nga namin kilala dahil wala kang mga magulang, eh! Alis!" "Ano 'yan?" isang boses naman ang bumulabog sa kanila. Bahagyang nagliwanag ang mukha ni Riko nang makita niya ang ang batang kararating lang. Walang ekspresyon ang mukha nito na para bang walang pakialam sa paligid. "Jayce! Ah, wala. May palaboy-laboy na bata rito." Buong lakas na tumayo si Riko at akmang lalapit sana kay Jayce nguni

