Cold Promise NAPATAYO kaagad si Collen nang mapansin niyang madilim na sa labas. Kung ‘di pa siya napalingon sa kanyang bintana ay ‘di niya pa malalamang nag-overtime na pala siya. Si Jayce kaagad ang kanyang naisip kung naroon pa o nauna na ito. Kaagad siyang nagtungo sa office nito na tabi lang din ng kanya. Nadatnan naman niya si Jayce na busy pang nagbabasa ng mga dikumento. The last time she checked on him was this afternoon. Kung ano man ang puwesto ni Jayce kanina ay gano’n pa rin ang kanyang nadatnan ngayon. Napansin naman niya ang tasa ng kape nitong mukhang bagong lagay lang, ibig sabihin lang ay wala pa itong balak umuwi. “Gabi na, ah. Ayaw mong umuwi na?” untag naman si Collen habang palapit ito sa kanya. “Sana, kaso ang dami ko pang hindi natatapos,” napahawak naman s

