Stronger than Before MAINIT ang umpisa ng Asian Games. Buong bansa ay nakatutok dito. Walang game sa ngayong at sa susunod na mga araw ang Roaring Wolves ngunit pinili nilang manood ng mga first games ngayong araw. Tokyo Bull’s game is on the third one. Katatapos lamang ng pangalawa ay ito ang larong pinakahihintay nila. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagsimulang dumating ang teams na magkatunggali sa court. Hindi maipaliwanag ni Jayce pero malakas ang dating Tokyo Bulls. They also seemed to have many fans. Narinig ni Jayce ang cheer na mukhang sa lengwahe ng Japanese sa gawing kanan kung saan mayroon silang hawak na plastic na torotot, kulay cyan katulad ng kanilang uniform. Mukhang galing pa ang mga ito ng japan upang panoorin ang Tokyo Bulls. Nang mapabalik ang mga tingin ni Jayce

