Fear and Everything else TULALA si Jayce na naabutan ni Adler sa locker room. Mukhang pinauna niya ang mga kasamahan niya at intensyunal na nagpa-iwan ito rito. “Kumusta? Dehado pa rin ba?” napaupo naman si Adler sa kanyang tabi. “Hindi ko naman hinihiling na mananalo ako. I’ll just play my best because this is my last game,” pilit na ngumiti si Jayce. “Mukhang talagang sigurado ka na sa desisyon mo?” napahinga nang malalim si Adler. It was tough to accept that Jayce will put an end to his career voluntarily. Hindi na rin pinigilan ni Adler ito noong una siyang magsabi dahil alam niyang gusto na rin nito magpahinga. “I will always love basketball but this is it for me,” ngayon ay masasabi ni Adler na totoo na ang ngiti ni Jayce na para bang walang bahid ng pagsisisi. “It was a tou

