Jealousy Once More “Miss,” naagaw ng pansin niya ang isang boses na narinig nila sa likuran. Nang lumingon si Collen ay laking gulat niya nang makita niya si Hiro. “Nakita kita kanina na nag-chi-cheer sa amin. Salamat, rinig na rinig namin sa ibaba.” Natulala naman si Collen at parang na-star struck sa ngiti ni Hiro. “Hiro Nishida nga pala at ikaw si?” naglahad naman si Hiro ng kamay, tatanggapin na sana ni Collen iyon nang biglang tinabig ni Jayce ang kamay niya. “Bawal daw muna ang shake hands pagkatapos ng game,” tumikhim naman si Jayce sabay iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Napakunot-noo naman si Collen sa pinagsasabi nito. “Syempre, pinagpapasahan niyo iyong bola, ‘di mo naman alam kung may germs ‘yo,” nangatuwiran pa si Jayce. “Nag-sanitizer ako,” ang sabi naman ni Hiro a

