CHAPTER 3

2189 Words
(Clock:: 12:40 pm) "Clyzelle sabay ka na samin" "Sorry marami pa akong gagawin eh mauna na kayo" pag tatanggi ko nang ayain ako ng kambal na nakatayo sa harapan ko ngayon "Bakit naman? May importate ka bang gagawin? Gusto mo tulungan ka namin ni Taehyung" sabi ni baekhyun at tumango naman si Taehyung na nasa tabi nya. umiling ako at nagsalita... "Wag na Madali lang yung gagawin kong importante" Sabi ko at Napa 'ah' na lang silang dalawa.. nag paalam na sila na aalis at nang makaalis na sila dito sa classroom ay inilibot ko ang paningin ko sa buong classroom. Huminga ako ng malalim, habang inaayos ko ang bag ko ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. sino naman kayang hayop ang mag tetext saken? Message from unknown : - Ready ka na? Tiyakin mo lang na Malilinis mo ang CR ng girls and Boys sa buong Campus ah .. SSG Pres. Yoongi Lalo akong nanlumo nang mabasa ang 'buong campus.. Ibig sabihin.. Lahat ng CR ay lilinisin ko Gaaad.. First Warning pa lang to ahh.. Paano na pag Second Warning.. At paano pa kaya pag 10th Warning? Baka mamaya kulang na lang gumapang ako sa sahig.  Kinuha ko ang ilang notebooks ko at pinasok sa bag, habang ginagawa ko yun ay nakita ko sa peripheral vision ko na may pumasok na isang lalake at lumapit ng kaunti sakin "So.. Hindi ka talaga nag sama ng mag tutulong sayo" Sabi ni Yoongi pero di ako umimik at hindi ko sya nilingon dahil alam kong nakangisi sya.. "Kinakausap kita..." napataray ako at sumagot "Bakit? May sinabi ka bang pwede akong manghingi ng tulong sa iba para tulungan ako?" sabi ko at kunyari na may hinahanap sa bag kahit wala naman, ayoko lang makita ang pag mumukha nya.. nakakainis eh. "Meron, hindi mo ata narinig yun, sabi ko pa nga My answer is .. No.. Pero pwede kang humanap ng tutulong sayo... Natatandaan mo na?" Saad nya dahilan para biglang may pumasok sa kokote ko na isang flashback. NO WAY!! Naalala ko na yung sinabi nya bago ako sumuntok sa table. Bakit ko pa tinanggihan ang alok nila taehyun at baekhyun kanina? Bakit? Bakiiiit!? You're so tatanga tanga clyzelle! Dahan dahan akong tumingin sa kanya "Eh.. Pwede pa naman siguro akong humanap ng tutulong sakin diba?" sabi ko "Yes but.. Tutulungan ka ba nila sa pag lilinis ng CR ng buong Campus? Tsk.." Nakangisi nyang sabi at lumabas sya Bwisit!! Urghh **** Nag hanap ako ng tutulong sa akin pero lahat sila ayaw ayaw ayaaaw! No one want to help me.. uurgh! napaka malas ng arawn ko, nakakainis..  "Bakit ba kelangan mo pa akong bantayan huh?!" naiinis kong tanong dito sa singkit na nasa tabi ko.. papasok na kasi ako sa CR at itong Singkit na 'to ay nananatiling nasa tabi ko. "Para makita ko kung ano na ang gingawa mo.. Baka mamaya magulat na lang ako may kaS*x ka sa loob" nakangisi nyang sabi kaya nalaglag ang panga ko.. walangya naman pala mag isip itong tao na ito.. Kadiri!! "Sa tingin mo ganun ako!!?" Mataray kong tanong, ngumisi sya at sumagot "Yup" Kumunot ang noo ko at umaktong hahampasin ko sya ng map pero di manlang sya napailag kahit kunti habang nananatili pa ring nakatitig sa akin Tinitigan ko rin ang mata nya, kala nya ahh, di ako papaurong sa kanya!! "Oh hindi ka pa kikilos? Wag kang assuming na hahalikan kita porquet nakatitig ako sayo" Sabi nya kaya agad akong tumalikod at nag init ang buong mukha ko.. Sa tingin ko pulang pula ang mukha ko dahil sa inis .. Whaaa bakit ang galing nyang mag basa ng isipan? kinuha ko na ang mop.. Di pa ako tuluyang nakakapasok ay naamoy ko na ang baho ng CR.. May janitor ba dito?? di manlang ililinis.. Huminga ako ng malalim at pumasok, pag pasok ko ay agad kong naamoy ang mapanghi, mabaho at amoy kanal na di ko maintindihan at medyo baha pa... Kung sino mang estudyante ang papasok dito ay kelangan pigilan ang hininga. Oh my gaaahd!! Bakit ganito ang CR dito? kadiriii! So eeew, yung CR namin duon sa Amerika parang nasa mall e.. Agad agad kong tinakpan ang ilong ko at lumabas ulit ng CR. Inhale Exhale "Tanong ko lang.. Mabango ba sa loob?" Rinig kong sabi nya at talagang nang asar pa tong singkit na to ah "Hindi, kasing baho mo nga e" sagot ko sabay tinuro ko sya "Haha! Sarili mo ata ang naamoy mo" nakangisi nyang sabi habang nakasandal.. Napanganga ako sa sinabi nya.. Aba't kapal ng mukhaaa!! Di ko mapigilang mangalaiti at agad ko syang piningot sa tenga "ARAY!! Aray---get off your fvcking hand!! Ouch!!" Agad kong binitawan ang tenga nya nang maalala kong SSG President ang pinipingot ko. Oh no "How dare you! I will give you a second warning!! Linisin mo ang buong campus!!" "No no no no!!! Ayaw!!" "No! You should clean!! You want Third warning?" natigilan ako sa pag dadabog ko nang marinig ang third warning "Pero hindi pa nga ako tapos aa pag lilinis ng CR ng buong campus----" "So it's my fault huh???" "No.. But it's unfair! Di pa nga ako tapos sa CR tapos lilinisin ko na agad ang buong campus?" "Yes, of course any problem?!.. Pag tapos mo sa CR, lilinisin mo ang buong campus without the help of Janitors!" Sabi nya at parang medyo naiinis na sya but he still smirking. "I HATE YOU!!!" Pasigaw kong sabi "I hate you more" nakangisi nyang sagot "Ahhh!! Wag mo ngnag gayahin ang mga sinasabi ko!! You JERK!!!---" naputol ang ibang sasabihin ko nang hapinin nya ako sa bewang at nilapit sa kanya, gulat akong nakatingin sa kanya, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, naktitig ako sa mga mata nya. "You want a third warning or you want a Kiss Warning?" natameme ako sa sinabi nya K-kiss warning?  Nagulat ako nang dahan dahan syang lumalapit kaya napapikit ako.. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang malambot nyang labi----- "Hahahahaha!" napadilat ako nang marinig ko sya tumaawa at agad tumingin sa nakadikit sa labi ko Dalawang daliri nya ang nasa labi ko.. B-bwisit itong lalake na 'to!! (Start Dreaming) binigyan ko sya ng masamang tingin, tumingkayad ako at hinalikan sya sa labi.. Third Person's POV Natulala si Yoongi sa ginawa mong paghalik sakanya at hindi nya alam kung anong gagawin nya Nananatiling magkadikit ang labi ninyo sa isa't isa Nagsimula ka nang magtaka kung bakit hindi humiwalay si Yoongi sa pag kakadikit ng labi nyo sa isa't isa.. dahan dahan kang humiwalay sa pagkakadikit ng labi nyo at tumingin sa kanya, na kita mo syang nakatingin ng seryoso sayo.. "B-bakit hindi ka nagalit?" nag tataka mong tanong "Bakit ako magagalit kung ikaw lang naman ang may karapatang humalik sakin" nanlaki ang mata mo nang marinig mo kay Yoongi ang mga salitang ito "A-ano?" (End of Dreaming)  Clyzelle POV "Miss Flores! Can you please wake up in reality dahil di ko maintindihan kung bakit nakatulala ka na" nabalik ako sa katinuan nang marinig ko ang sinabi ni Yoongi, nakita kong nakalagay ang hintuturo nya sa gitnang noo ko. Agad akong tumingin kay Yoongi na nakataas ang kilay at naguguluhan "S-sorry.. May sinasabi ka ba?" Tanong ko, napatingin naman sya sa gilid at pumikit ng mariin. "Kanina pa ako nagsasalota dito tapos wala kang naintindihan!!.. Aish! Mag linis ka na nga madami ka pang lilinisin" Inis nyang sabi at tinulak tulak nya ako papasok sa loob "Oo na!! wag mo akong itulak kaya kong maglakad!" sigaw ko at inis na tinanggal ang kamay nya Bwisit na singkit ito! nag dredreaming lang pala ako kanina, akala ko tuloy totoo ko na syang nahalikan.. Buti na lang di nya nabasa ang nasa isipan ko, nakakahiya! (After 4 hours.. Clock :: 4:58 pm)  Pinunasan ko ang tumulong pawis sa pisngi ko gamit ang bimpo ko sa bag, pagod akong umupo sa sahig.. nandito na kami ngayon sa room amatpos kong maglinis. Ayoko ng ganito Ayoko ng napapagod ako Paano pag nagkasakit ako? sinong mag aalaga sakin? huhuhu Tumingin ako sa gilid ko kung saan nakatayo yung SSG President na si Yoongi habang seryosong nakatingin sakin at nginisian ako. "What?! What's funny!!??" taray kong tanong.. Bwisit sya eh "Masaya ka bang Napapagod ang isang gaya ko? Huh?!" "What if i said Yes? Mag wawala ka ba?" lalo akong nainis kaya agad akong tumayo at sinampal ko sya sa pisngi "You don't have a respct to me?!! Im a girl!! Why are you acting like a Boss?! Boss? di ko nakikita ang pagiging boss sayo!! because I see in you as a DEVIL!! DEVIL!" sigaw ko sakanya Inis kong kinuha ang bag ko, uuwi na ako dahil di ko na kaya makasama itong president na ito dito, papalabas pa lang ako sa pinto nang magsalita sya. "Yes.... Im a Devil, a Devil SSG president, im not acting like a boss.. Well... Sanay naman na akong mapagsabihan na Demonyo, All Student in this school is Called me "Devil" or "monster" .. Like you said" parang lalo pa syang nangaasar sa boses nya ngayon .. Bat parang andaming alam nitong singkit na to? Agad akong humarap sakanya at nakita ko syang nakaupo sa Teachers Chair habang nakapatong ang dalawang paa sa table habang seryosong nakatingin sa akin "Ewan ko sayo" yan na lang ang nasabi ko bago ako tuluyang lumabas ng classroom, tahimik akong naglalakad papuntang gate, pero papalabas pa lang ako ng Gate nang may kotseng humarang sa harap ko at bumukas ang bintana at nakita ko si Yoongi na nasa loob ng sasakyan. "Gusto mo sumabay ka? Oh may respeto na ako.. Ngayon lang to" si Yoongi? Nag yayayang sumakay ako sa kotse nyang mamahalin Himala!!  Agad akong sumakay sa Tabi nya.. Sya yung nag dridrive at naka upo ako ngayon sa passenger seat. "Ngayon lang to ah.. Pasalamat ka at naawa ako sayo hindi gaya ng iba... Gimme your address" Utos nya habang nakatingin sa daan, pinaandar na nya ang sasakyan. sinabi ko sa kanya ang address ng kung saan ako nakatira ngayon habang nasa byahe ay katahimikan ang bumabalot sa buong sasakyan,, wala ni isa sa aming dalawa ni yoongi ang nag sasalita. nakakabingi ang katahimikan.Tanging naririnig ko na lang ata ay yung pagtibok ng puso ko eh hahaha Pinanonood ko lang ang bawat pagliko ng sasakyan Minsan napapatingin kay Yoongi na busy sa pag mamaneho at pag liko- liko ng sasakyan Pano ba mag drive?  May kotse ako pero di ko alam kung pano gamitin eh hehehe.. Eh tamad naman akong kumuha ng mag tuturo saakin "Yoongi--" "Dont call me that.. Call me President Yoongi" tss.. Arte nito Parang dinagdagan lang naman ng President .. Tsk Baka gusto nya itawag ko sakanya 'President Yoonggoy' it means President Unggoy hahahah okay CORNY ko "Okay Fine.. PRESIDENT YOONGI paano ba magdrive? Mahirap ba?" diniinan ko pa ang pagbanggit sa President Yoongi "Madali lang" "Weh?" "Nag tatanong ka tapos hindi ka maniniwala.. bobo mo" aruy!! Ako bobo?  "Walang taong bobo okay" "Sino nagsabi?" "Ako" Sabi ko. "Pangit mo talaga tss" agad akong napatingin sakanya na ngingisi ngisi lang sya "Pangit lang ako eh ikaw ano ka? Diba pwet!!" "Tae ka naman" aba!! Aish! Talo ako dun ah. Nakakainis naman itong singkit na ito, bakit ang galing sa mga barahan. "Ewan ko sayo!! Mag drive ka na nga lang wala kang kwentang kausap.. Sigurado akong pag nag karoon ka ng girlfriend tiyak na Basted agad ang maaabot mo tss" at umiling iling ako "Oh talaga lang ha? Hahaha! Baka magulat ka kapag nalaman mong nakaka ilang girlfriend ako sa isang taon" whuuut!!  "N-ngayon ilan?" "Well.. Hindi na ako playboy.. You know.. Everything's change" natawa na lang ako sa pauso nyang everthing's change hahaha "May Everthing's Everything's Change ka pang nalalaman ah hahaha" "Matalino kasi ako" napasimangot ako sa sagot nya "Edi ikaw na! Psh.. Akala mo naman gwapo" pabulong kong sabi at cross arms sabay tingin sa labas Pumikit ako at pinilit makatulog sa buong byahe, pero ilang minuto na ang lumipas ang di pa rin ako nakakatulog pero nakapikit ako kaya hindi ko alam kung nasa tapat na kami ng bahay... Lumipas pa ang ilang minuto ay huminto na naman ang sasakyan at di ko alam kung nasa tapat na ba kami ng bahay. "Oy gising na" hindi ako dumilat.. Hmm ano kayang gagawin nya kung di ako dumilat no? Mag tulog tulugan nga "Aish tulugan ba naman..." narinig kong bumaba sya ng kotse kaya napangiti ako ng kunti.. Whaaa bubuhatin nya ako papasok sa bahay whooo *Krooooooooonnnnng!!* Isang malakas na parang torotot ang narinig ko sa kanang tenga ko kaya napadilat ako agad agad at napatakip ng tenga sabay tingin kay Yoongi na nakangisi "Oh? Alam mo na kung paano manggising ang SSG President?.. Nandito na tayo sa bahay mo at mawalang galang na bumaba ka na dyan sa kotse ko baka malagyan pa ng germs yan" agad akong bumaba baka mamaya iturotot nya pa ulit yun Nabingi ata ako dun "See'ya on School!" nagulat ako nang ipaharurot nya ng mabilis yung kotse nya WOW naman Tss.. Yabang To be continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD