Napakainit ng paligid. Feeling ko masusunog na ako dito Gahhd.. Nag paypay ako gamit ang kamay, sobrang init kasi. Ito ang pinakaiinisan ko .. Bakit ba ako napunta dito sa school na ito? kunting init na lang magiging impyerno na
"Number 303!!" lumapit ang isang estudyante sa sumigaw na teacher na kunti na lang ay sasabog na sa inis .. "Kanina ko pa sinisigaw ang Numero mo pero hindi ka lumalapit! Aba! Tapos di ka pa naka uniporme anong klase kang mag eenroll ha?!!" Idagdag mo pa yung sigaw ng sigaw na teacher.
Napahinga ako ng malalim.. Bakit kaya ako pinadala dito sa Pilipinas ng mga magulang ko, kung sakaling napakaganda naman ng buhay ko sa Amerika. Tsaka ang malala pa, pinag aral nila ako dito sa public university
Buti na lang may nakilala agad akong dalawang tao na dito din mag aaral. "Mabubuhay pa ba tayo dito?" nakataas kong kilay na tanong habang nakatingin sa paligid at pinag mamasdan ang mga estudyante.
"Yes of course" Sabi ni Baekhyun, tumango naman yung kambal niyang si Taehyung.. Buti pa tong kambal na to, Gaya rin nila ako na pinadala dito sa pilipinas at pinag-aral dito sa public university. Nagkakilala kaming tatlo nang makabanggaan ko si Baekhyun sa airport at ayon dito din pala sila mag aaral.
Grabe. Pinaparusahan ba kami ng mga magulang namin?? Wala namang problema kung papuntahin kami dito sa pilipinas at dito na mag aral. Ang di lang namin maintindihan bakit kelangan sa public university pa. "Bakit Clyde hindi ka ba mabububay dito?" Tanong ni Taehyung.
"Stop calling me Clyde, Taehyung." medyo may pagkasungit kong sabi kaya natahimik sya.. bad trip ako, sumabay pa ang pagkainit ng araw at paligid.
"Whoa guys nakikita nyo ba yung babaeng yun? Just like..." tumingin kaming dalawa ni Taehyung sa tinuro ni Baekhyun na babae. Nanlaki ang mata namin ni Taehyung at nagkatinginan kaming tatlo..
"Eww" sabay sabay naming sabi at nag drama pa kaming nasusuka. Grabe naman kasi yung itsura eh. Parang wala nang bukas. Enroll pa lang to ah. Eh bakit parang maghuhubad na sa ikli ng padla yung babae na yun, school ba talaga ang punta niya o strip club? Jusko po
"400!"
"Uy ikaw na" nagulat ako nang itulak tulak nila akong dalawa, kaya sinamaan ko sila habang papunta ako duon sa sumisigaw na teacher.. Bwisit yung dalawang yon ah? Makatulak para naman akong isang poste na hindi nila matulak tulak.
Lumapit akong nakangiti sa teacher at binigay ko yung form na pinasusulatan at yung card kong may matataas na grado. 'Tong teacher na 'to, wag niya lang magawang laitin ang grade ko kasi gawang america yan. Nakangiti lang ako habang pinapanood yung teacher na hinahanap ang pangalan ko sa list of transferee.
Nakita kong may tsinek nya yung pangalan ko sa papel at nilagay ang card ko sa tabi. Nanatili akong nakatayo kasi bakay may sasabihin pa siya nang bigla siayng tumingin sakin, kitang kita ko yung kilay niyang ginuhit lang. "Anong nginingiti ngiti mo dyan? Layas!! NEXT!! 401!!" napapikit ako sa sigaw nya.
"Eh? Di ko pa po alam ang Section ko--" hindi ko natapos ang iba kong sasabihin nang sumigaw sya.
"S.P.A ka okay??!! LAYAS! oh baka mamaya di mo pa alam ang S.P.A." Sigaw niya kaya tumango ako at tinalikuran yung masungit na teacher sa registrar. Grabe sya... Anong akala nya sakin bo Panira ng araw nakakabwisit.
"Hahaha ayos yun ah--" pinutol ko ang ibang sasabihin ni Taehyung.
"Shut up .. Ano bang klaseng eskwelahan to?" Irita kong sabi at nag cross arms. Para kasing hindi naturuan ng magandang asal yung teacher na yun! Nakaka bad mood. Urgh.
"Public" tiningnan ko ng masama si Baekhyun at tinaasan ng kilay.
"Oo alam kong public. Ano nga ulit section nyo?"
"S.P.A" Biglang nagbago ang mood ko nang marinig kung anong section nila.
"Oooh?! S.P.A din ako!" masaya at gulat kong sabi at niyakap ko silang dalawa
"Oy mahawakan mo abs ko mawala yan" agad akong humiwalay sa sinabi ni Baek
'Tong mokong to "Weh totoo? Kung meron pahawak nga" biro ko pero nagulat ako nang kunin nya ang kamay ko at dinikit sa tyan nya
≧﹏≦
Whaaa!!!
Meron nga bwisit to!!
"OMG I hate you!" Sigaw ko at hinampas ko sya sa braso nya na ikinatawa lang nilang dalawa
***
(Kinabukasan: first day of Class)
"Oo nga eh... Ang arte nila akala nila kung sinong mayaman"
"Yung tatlong bagong transferee ayaw umupo nung Orientation sa sahig.. Madumi daw kasi eh sakaling ang kintab kintab na nga sa linis eh"
"Beh maarte lang talaga yung tatlong yun"
"Pero sa huli ay umupo din sila.. Kaso yung babaeng impakta na kasama nila napaka arte"
"Bakit??"
"Di kasi umupo sa sahig hanggang sa matapos ang program"
Nandito pa lang ako sa labas ng room ay naririnig ko na ang usapan ng mga kaklase ko sa loob. Speaking of the court, Ako?? uupo sa sahig? Kahit na ba pakintabin pa nila ng husto ang sahig madumi pa rin para sakin yan. Sahig nga diba? Ang sahig hindi naman dapag inuupuan, tinatapakan yun, duh! Ang dami daming tumatapak sa sahig di ba nila naisip yung germs or bacteria na makukuha nila dun.
Naglagay ako ng airphone sa tenga ko pero walang sound. Trip ko lang para kahit mag usap sila ay naririnig ko pa rin, at isipin nila na hindi ko sila naririnig kasi nga diba naka airphone ako. "Nandito na yung impaktang babae.. Wala pa yung kambal na gwapo" nakita ko naman sa side view ko na lumingon silang lahat sa akin pero nagulat sila kalaunan.
Siguro nakita na nila na sobraaang ganda ko, hahaha! Natural lang namang magulat sa isang magandang dilag na gaya ko.
"B-bakit nya kasama si President??"
"Wag mong sabihing Malandi yan?"
"Umay na"
"p****k"
Napakunot ang noo ko sa nga narinig ko.. Ano ba mga sinasabi nila?? Mga abnormal ba tao dito?? Sa hitsura kong ito?? p****k? E mas mukha pa nga silang p****k kesya sakin dahil sa sobrang kakapal ng mga make-up nila at ang mga pagmumukha nila.
Ang make up dapat pinagaganda ang pagmumukha ng isang tao, pero sila, nag make uo na lahat lahat ang papanget pa rin nila. Malapit na ako sa upuan ko nang maramdaman ko na may tao sa likod ko, baka yung kambal na.. Huminto ako at lumingon sa likod pero imbis na mukha ang makaharap ko ay dibdib ang bumungad sakin.
Dahan dahan kong tinaas ang tingin ko at isang lalakeng singkit ang mata, maputi at seryosong nakatingin sakin
"Get. Out. Of. My. Way" Cold nyang sabi kaya agad akong gumilid at dumaan naman sya tsaka nya ibinagsak ang bag nya sa spuan nya sabay natulog. Napalunok ako, nakakatakot naman ang presensya nya ahahah!
"Clyzeeeeell!!" Rinig kong sigaw ng dalawang pamilyar na boses kaya nilingon ko sila, nagulat ako nang pag lingon ko may tumatalon talon na dalawang mag kamukha sa harap ko
"Uuuyy---"
"Sabi nang hindi uy pangalan namin eh" sabay sa sabi nila.. natawa ako sa inasal ng dalawa, para silang mga bata na ewan. Ilang taon na ba itong dalawa na 'to? Umupo na kami sa upuan namin at nag kwentuhan hanggang sa may dumating na professor.
***
Nandito kaming tatlo sa canteen, pag pasok namin ay medyo napanganga kami sa hitsura ng loob. Hindi air conditioned ang canteen na 'to kaya sobrang init! Para akong matutunaw.. Lalakad na sana ako pero bigla akong nakaamoy ng mabaho sa gilid ko, amoy putok na di naligo eh.
Dahan dahan akong tumingin sa left side ko at nakita ko ang isang lalakeng gusot gustoot ang uniform at g**o g**o ang buhok na akala mo kababangon lang sa kama.
Napalunok ako at medyo umurong papalayo sa lalake. Grabe! Naligo na ba sya?? Ilang araw o linggo na ba syang di naliligo?
Ayyy!!! Ang judgmental ko naman hahaha! Charot lang yon! Wag kayong ano.. Good girl kaya ako, good guuurl.
Nakatayo lang kami at nililibot ang paningin dahil hindi namin alam kung bibili ba kami dito or bibili kami sa School Supplies na may mga pagkain na chicherya.
"Try nga natin yung hotdog dito bilis" sabi ko at tumango naman silang dalawa, nauna akong lumakad papunta dun sa nag titinda ng hotdog. Di pa ako nakakalapit nang biglang may tumakbo papalapit sakin at nadunggo dunggo ako.
"Tabi nga!! Teh isang Hotdog at dalawang Burger nga te!"
"Ate pabili ng burger!"
"Hotdog Dalawa!!"
Gusto kong mag takip ng tenga dahil sa sigaw nila. Ano ba yan! Nasa palengke ba sila?? Kung makasigaw wagas, di naman siguro bingi yung tindera dito noh?? Grabe makasigaw e.
Tiningnan ko sila.. Inaabot na agad nila ang bayad.. Paunahan ba to? Karerahan ng bayad ganun? Agawan sa pagkain ganun?
This school is a public University, sana naman sa maayos na public University manlang ako pinadala ng Parents ko noh??
Nag patuloy ang mahinang pag tulak tulak sakin na di naman sinasadya hanggang sa mapunta ako sa likod..
Napahinga ako ng malalim at napailing kasi naman yung kaninang nasa unahan ako pero ngayon nasa likod na ako ng mga estudyanteng nag uunahan sa pagbili.
"Pabili nga hotdog! Yung mahaba! Yung kakasya sa bibig ko .. Yung hotdog na Brown yung pag sinubo may lumalabas na puti, cheeze ba yon?? hahaha!" What the??? Hahaha, gusto kong tumawa sa sinabi nung bakla
"Bakla ang baho ng hininga mo baka mamaya malagyan ng germs tong kanin namin oh!" Arte ng kaibigan nyang bakla
"Wag ka nga bes.. Gusto ko eh paki mo ba"
"Kwento mo sa mama mo" gusto kong tumawa sa asaran ng dalawang baklang nasa harapan ko
Napatingin naman saakin yung bakla at nagulat ako nang "Ayyy babae! mauna ka na babaita" sabi ng bakla at hinila nya ako papunta sa harap
"A-ay thank you ah" sabi ko at humarap aa tindera
Pero parang ayaw kong bumili.. kasi para sa akin kasi parang hindi masarap yung mga binebenta nila.
Lumingon ako sa likod ko at busy sa pakikipag usap yung bakla sa kaibigan nyang bakla kaya palihim akong umalis dun
"Phew" bitaw ko nang hininga nang makaalis ako ng tahimik at di nila nalalaman.
Ang init! Nasan na yung kambal?
Sobrang dami ng tao at medyo maliit ako.. At HOY WAG NYONG MALIITIN ANG GAYA KO DAHIL DI NYO ALAM KUNG GANO KALAKI ANG MAKAKAYA KO hmp
Tumingkayad ako para makita ang ulo ng kambal . Matangkad yung dalawang yun eh, after a few seconds ay nakita ko silang nakatayo lang sa gilid at nag uusap.
Tatakbo na sana ako sa kanila nang biglang may mga apat na kalalakihang humarang sakin
"Bibili ka ba dito?" tiningnan ko yung tinuro nya.. Pancit canton... "Kung bibili ka... Kami muna" nakangisi myang sabi kaya napakunot ang noo ko.
Hala.. Di naman ako bibili eh. What the heck is he saying?
"Excuse me...Ako? Bibili dyan? Haha saksak nyo na sa baga nyo yan dahil hindi naman ako bibili" at tinarayan ko sila pero liliko na sana ako pero humarang ulit sila "at bakit ayaw nyong tumabi sa daan?" Mataray kong tanong.
"Kami? Tatabi? Umasa ka---" naputol ang iba nyang sasabihin nang may magsalita..
"Anong nangyayari dito" napatingin kaming lahat sa nag salita.. Lahat ng estudyante ay napatingin din sa kanya.
Ang Cool ng boses nya.. Para bang gangster hahaha.. Baliw na ata ako
"At sino ka namang gag* ka?" taas noong tanong ng isa sa lalakemg nakaharang sakin kanina.
"Hindi nyo ko kilala?" nangilabot ako sa ngisi nya... Sino ba sya? Eh sya lang naman ang lalaking nakabungguan ko at ang lalaking singkit ang mata at maputi!
Tiningnan ko ang I. D nya... Wow naman.. Buti pa sya may I. D na agad.. Eh kami? Wala.. Baka mamaya sa july pa kami mag karoon eh. June pa lang ngayon
Name: Min Yoongi
Section: S. P. A
Role: SSG President
Nanlaki ang mata ko matapos kong mabasa ang nakasulat sa I.D nya, Holy sh*t.
"Oh. My. God" bulong kong sabi.. Hindi nila kilala ang kinakalaban nila.
"Eh sino ka ba para kilalanin namin? Diyos? Hahahaha!" sila sila lang ang tumawa at ni isang estudyante ay walang tumawa
Yumuko ako.. Ayokong makita ang nakakakilabot na ngisi nya at ang seryoso nyang mata.. Na
para bang pag tumingin sya ay may kasalanan ka
"Alam nyo ba kaya di nyo ko kilala? Because you all don't cares about the SSG Members so I don't care too if you don't want to know who are the SSG Members... I want to say na ako ang SSG President.. I will give you 5 second to run at the Guidance office.. If you don't run... Ako ang mag hihila papunta sa inyo duon na bali bali ang buto nyo" sabi ng singkit na ito.. Syeta tatakbo ba ako? Kasama ba ako sa tinutukoy nya.. Mahgaaadd
"One"
"O c'mon! Ikaw?! SSG President? Pinag lololoko mo ba kami--AHHHH!!" Nagulat ako nang sumigaw ang lalaki at nakita kong nakaluhod ito at hawak ni ??? .. Sino nga ba to?
Yoongi.. Ayun yoongi
Hawak ni yoongi ang kamay nung lalake patalikod
"Two" Pag bilang nya pa, nagulat ako nang tumingin sya saakin.. Wag mong sabihing kasali ako? ... Agad akong tumakbo palabas.. Huhuhu san yung guidance office??
(After 1 hour)
Nanlulumo akong umupo muna sa upuan dito sa field
Nasan yung guidaaaance !!!
Ayokong mag tanong tanong baka mamaya isipin nung mga pag tatanungan ko naliligaw ako.. Eh sa naliligaw naman talaga eh haha
"Uurgh! Gaaad nasan ba yung guidance!!!" sigaw ko
"Hey"
"Ahhh!!" sigaw ko at nahulog ako sa inuupuan ko
Arayyy huhu. Sakit sa pwet ahh! Bato bato pa naman yung sahig.
"Okay ka lang?" lalake na naman?!!! Naknang! Baka mamaya dumugin na ako ng kalalakihan ah.
Tinaas ko ang paningin ko at tiningnan sya, sino naman 'tong lalaking to?
"Who are you?" I ask.
"May kailangan ka ba? Narinig ko kasing sumisigaw ka at ang huli kong narinig guidance.. Gusto mo ihatid kita dun?" Sabi nya at nilahad ang kamay, kinuha ko yun tinulungan nya akong makatayo.
Hmm cute naman sya.. Pero mas cute pa rin yung kambal hihihi.
"Uhmm a-ako nga pala si---" di natuloy ang iba kong sasabihin nang biglang may sumigaw.
"YAH!!!! J-HOPE COME HERE OR ELSE I WILL KILL YOU!!" napatikom ko ang bibig ko.. Kilala ko ang boses na sumisigaw sa likod.
Si Yoongi yun.
"WAIIITT!! tong Singkit na to... By the way, i'm j-hope and i need to go now.. Bye" mahinahon nyang sabi at binigyan ako ng malapad na ngiti bago umalis.
Pero hindi ako lumingon sa likod dahil baka mamaya makita ako nung President na yun
"Sino yung kausap mo? " rinig kong tanong ni Yoongi kay J-hope..kinakabahan ako.. Hala!! Lakad na Clyzelle! Ano oang hinihintay mo?? Pasko??
Hahakbang pa lang ako nang may humawak sa pulso ko. Whaaaa
"San ka pupunta??"
PATAY!
Is this the end of my life??
To be continue