Sa may 'di kalayuan sa pwesto ko ay tanaw ko ang dalawang nakatalikod na babaeng hubo't hubad na panay ang hagikhikan. Kung hindi ako nagkakamali ay walang iba kundi ang kakilala ni Hardy. Nakatayo ang dalawa sa gilid ng batis kaya kalahati lang ng kanilang likod ang aking nakikita. Hindi ko naman nakikita si Hardy sa batis. Baka guni guni ko lang na narinig ang pangalan niya at tanging ang dalawa lamang ang nandito ngayon. Maya maya pa ay may umahon sa likuran ng dalawang babae. Lumipat sa kanilang harapan ang umahon sa batis. Kaagad na naglambitin ang dalawang babae sa braso ng dambuhalang nilalang. Akala ko noong una ay kapre dahil sa laki at tangkad ng nilalang na 'yon. Saka ko lamang napagtanto na ang akala kong kapre ay walang iba kundi si Hardy. Medyo madilim na kasi at natatakp

